"Sir may package po para sa inyo," sabi ng secretary niya nang bumalik siya ng opisina pagkatapos mag rounds sa mga pasyente. Napakunot noo pa siya nang masulyapan ang katamtamang laki ng kahon na nakabalot pa. Mukhang may nagpadala pa ng regalo sa kasal nila ni Hannah. "Kanino naman kaya galing ito?" Tanong niya at dinampot ang maliit na sobre para basahin ang nakasulat. Best Wishes Dr. Fernandez "What?" Kunot noong tanong niya nang mabasa ang nakasulat sa sobre. "Dr. Luigi Fernandez ba?" Tanong pa niya at mabilis na binuksan ang kahon. Sa sobrang busy niya kay Hannah, nakalimutan na niya ang tungkol kay Dr. Luigi, wala na rin naman siyang balita tungkol rito. Sa pagkakaalam niya dalawang linggo lang ang pananatili ni Dr. Luigi sa pilipinas, dahil sinamahan lang nito si Hannah,