Kinagabihan sinabihan siya ni Dylan na pupunta sila sa bahay ng mga magulang nito, ihaharap na daw siya nito at ipakikilalang asawa nito. Makailang ulit niyang tinanong ang asawa kung sigurado na ba ito sa gagawin nito. Kung handa na ba talaga itong ipaglaban siya at panindigan siya. Sinabi ni Dylan na wala na daw atrasan pa, ito na daw ang tamang panahon para maiharap siya sa mga magulang nito. Nakaharap na niya si Mr. Santillan at aaminin niyang nakakatakot ito. Hindi pa man siya nakikilala ni Mr. Santillana ay inaayawan na siya nito. Balot na nga ng mamahaling bagay ang buong katawan niya ay ayaw pa rin nito sa kanya. Paano na lang kung malaman nito kung sino talaga siya? Baka ito pa mismo ang gumawa ng paraan para maghiwalay sila ni Dylan. Ganoon pa man sasama siya sa asawa sa bahay