Kanina pa siya nakangiti habang nakatingala sa puting kisame ng kanyang silid. Hawak, hawak niya ang labing hinalikan ni Dylan kanina sa loob ng kotse. Buong klase nga wala siyang ibang iniisip kundi ang halik sa kanya ng binata. Pinangakuan din siya ni Dylan na hahalikan siyang muli pag nagkita sila nito. At mas maraming halik ang ibibigay nito sa kanya pag pumayag siyang magpakasal rito. "Dylan," nakangiting banggit niya sa pangalan ng binata, saka napakagat labi. Sabi ni Dylan sa kanya naaakit daw ito at hindi daw nito napipigilan ang sarili nito sa tuwing nakikita siya nitong kinakagat ang ibabang labi niya. Dahil na rin sa nakatikim na siya ng halik mula sa binata ay parang nais niyang laging kagatin ang ibabang labi para maakit ang binata. Pansin nga ni Jane ang pagkalutang niya