Kinabukasan maaga niyang pinauwi si Dylan para bumili muna sila ng damit na isusuot niya sa dinner sa bahay ng mga Santillan. Nag gain siya ng weigh kaya karamihan sa mga pormal niyang dress ay hindi na magkasya sa kanya, isama pa ang paglaki ng kanyang tiyan. Saktong alas singko dumating sa bahay si Dylan para sunduin siya, gaya ng dati niyang ginagawa, hinihintay ang asawa sa labas ng pintuan. "You ready?" Dylan asked nang makababa ito sa mamahaling kotse, at umikot palapit sa kinatatayuan niya. "Yup, kanina pa," excited na sagot niya sabay halik sa pisngi ng asawa, at mabilis na humakbang palapit sa kotse, siya na mismo ang nagbukas ng pintuan sa passenger seat at pumasok na sa loob. Excited na siyang makabili ng bagong dress, at higit sa lahat excited na siya sa family dinner mamaya