Halos paliparin niya ang sasakyan patungo sa Saavedra Hotel. Mababaliw siyang isipin na kasama ng Luigi na iyon ang asawa niya. Anong malay niya kung ano ang binabalak ng lalaking iyon kay Hannah. "Damn it, Hannah!" Hiyaw niya at sinubukang tawagan ang asawa, pero hindi ito sumasagot sa kanya. Nakailang ulit pa siya sa pagmumura sa sobrang inis na nararamdaman. He is doing his best, para magkaayos sila ni Hannah. Hindi siya sangaayon sa divorce, kaya pinipilit niyang ayusin ang lahat sa kanila. Ayaw niyang mawala sa kanya ang asawa, he can't imagine na mapupunta sa iba si Hannah, lalo na kung sa Luigi na iyon lang. Malakas na gilitgit ng gulong ang narinig niya nang makarating sa Saavedra Hotel, at nagmamadaling bumaba ng kotse. Halos tumakbo pa siya papasok. Muli niyang sinubukang taw