Chapter 31 BRIE Another day to spend without her oldie love. Kanina ay nagpaalam iyon sa kanya na lilipad ulit papuntang California at wala naman siyang naging pagtutol basta ang sabi lang niya ay mag-ingat para makabalik nang ligtas. Ilang oras pa lang ay miss na niya kaagad iyon at hindi na naman siya sanay na hindi iyon nakikita at nahahawakan. Nakatanaw lang siya sa labas at nakahilata sa sunbed sa taas ng main balcony, sa harap ng main gate, nag-iisa, naglilibang, nagpapalipas ng oras habang ang mga bagay-bagay sa buhay kasama ang mga paparating nilang kambal. Magkatulong sila ni Tommy kahapon na nag-ayos ng mga gamit ng bata at inihanda na nila kahit na ang layo-layo pa ng schedule niya para sa cesarean session. They're just both excited and he said that he'd cradle bo