Week 1- How to create an initial outline/Chapter 1
Janella Aurea De Vera had the most amazing parents and family. She almost had the best in this world. Matalino, matulungin, marunong makisama at higit sa lahat maganda. Perpekto na nga kung tutusin ang kagaya nya. Anak ng isang dating modelo at businesswoman na si Daniella Smith-De Vera at Prince Jaden De Vera na mayroong chains of restaurant sa buong bansa kabilang pa na anak ito ng isa sa mayayamang businessman sa bansa.
Wala na syang hihilingin pa. She was so blessed by what she had. Kaya iyon ang laking pasasalamat nya sa Diyos. Hindi naman sya mapaghangad ng mga bagay. Kontento sya sa mga simple kahit alam ng lahat na engrande ang buhay na mayroon sya. Lumaki si Janella sa aruga at pangaral sa butihing mga magulang. Her faith was established too.
Hinahangaan at kinaiinggitan ang pinagpalang buhay na mayroon sya. Prinsesa kung ituring ng kanyang mga magulang subalit hindi sya lumaking spoiled brat kaya gayon na lamang kung ipagmalaki siya ng kanyang mga magulang.
"MOMMY! How do I look?" Janella ask her mom. Suot ang dress na susutin niya sa kanyang debut sa susunod na buwan.
"You're perfect dear! Manang mana ka talaga kay Mommy sa kagandahan!" tuwang tuwang sabi ni Ella sa kanyang anak.
"Ate you're so pretty with that dress! I also want that sa debut namin ni Hara!" Reina cheerfully said na kasama rin nila.
"I don't like dresses. But Ate looks good to that. " Masungit na sambit naman ng kakambal nitong si Hara.
Tinawanan na lang niya ang kambal na nagsimula nang magtalo dahil sa debut ng mga ito na anim na taon pa naman ang dapat nilang hintayin but they are excited as she is right now.
Magkaibang magkaiba kasi ang gusto ng kambal. Reina likes girls stuffs at palaayos ito, habang si Hara naman ay walang kahilig hilig sa mga ganoon. They are quite opposite kahit pa kambal ito. Magkamukha lang ang dalawa subalit napaka-opposite ng personality ng mga ito.
Si Janella at Reina ay ekslusibong modelo ng clothing line na pagmamay-ari ng kanilang ina at si Reina ang nakakakitaan na agad nila ng interes sa pag likha ng mga damit.
Sa katunayan ay sa edad na labing dalawa ay nakagawa na kaagad ito ng sarili nitong disenyo ng damit at inaprubahan ng production team ng kanilang Clothing line.
Si Hara naman ay walang kahit anong interes sa mga disenyo ng damit, at hindi ito nagsusuot ng kahit ano maliban sa kulay puti at itim. Likas na tahimik, masungit at piling tao lamang ang kinakausap at pinakikisamahan nito. Marahil bata pa kaya't hinahayaan na lamang muna nila.
Janella is turning 18 next month and she is so excited dahil finally ganap na siyang dalaga at maari na siyang maging independent.
She was inspired by her Tita Denise independence when she was young like her and she wanted to experience that too. Pero ang usapan nila ng parents nya ay sa college na lamang daw. She is also graduating from senior high school this school year at naghahanda na rin siya para sa pagkuha niya ng examination sa UP.
Her parents are willing to send her abroad for her study but she had no interest to that. Mas gusto pa rin nya sa Pilipinas mag-aral.
"Thank you Miss Carla for assisting my daughter." sambit ni Ella sa may-ari ng boutique na nag-asikaso sa mga isusuot nila sa debut ng anak niya.
"You're welcome Mrs. De Vera." magiliw na bati rin nito sakanila at magalang na nagpaalam ang mga anak niya rito.
Instead of going home, they decided to visit Casa de Guia and surprise their one and only king.
JADEN was busy at the kitchen supervising his staffs dahil wala ang kaibigan niyang si Hanz doon dahil kasalukuyan naman nitong iminamanage ang isang branch ng Casa sa Batangas.
"Boss Jaden, may bisita po kayong magaganda." tawag pansin ng isang staff nila sakanya na busy sa ginagawa niyang dish.
"Who?" he asked habang focus pa din sa pagsusuri ng nalutong pagkain.
"Yung asawa at yung tatlo nyo pong anak Boss." nakangiting imporma nito sakanya.
Agad namang napangiti si Jaden at dali daling nagpaalam sa mga tao doon sa kusina upang puntahan ang mga bumisita sakanya na nasa opisina na daw nya.
"Love, napadaan kayo?" Jaden asked her wife nang salubungin sya nito. Bibihira lamang kung bumisita ang asawa niya sa restaurant at madalas na ang mga anak nila ang bisita nya rito because they were both busy handling their own Restaurant and Clothing line.
Marami din kasing mga tauhan ang nakaasa sa mga businessess nilang hinahawakan kaya't hindi sila maaring magsara na lamang. Their employee needs them kaya kahit mahirap pagsabayin ang trabaho at pagtutok sa mga anak nila ay kinakaya nila.
"Daddy! Ate is so beautiful in her dress! We went to boutique earlier look oh!" excited na pagkukwento ni Reina na bunsong anak niya sakanya at ipinakita pa ang picture sa phone nito.
"Wow! I thought it will be tomorrow? Sana ay nasamahan ko din kayo nang nakita ko ng personal how beautiful my princesses are!" he said with the same excitement ng makita ang larawan ng mga anak nya wearing dresses even Hara wears a beautiful dress na hindi nito nakahiligan. Subalit dahil sa hiling ng ate nito ay napapayag ang kanilang pangalawa.
Dalaga na halos ang mga anak nya. Gusto man niyang magkaroon ng lalaking anak upang magprotekta sakanyang mga prinsesa subalit hindi na sila nabiyayaan pa.
But he promised that he will protect them sa lahat nang maaring makapanakit sakanila.
"Dad they were just exaggerating! It's just simple but I love it." singit naman ni Janella na ikinangiti niya.
His first daughter Janella is very much alike of her mother. Simple and humble as always. She never disappoints them kaya naman even though they are willing to spoil her with everything ay never itong nagpaspoiled sakanila.
At ngayong magiging ganap na itong dalaga ay panatag na silang mag asawa that she will bloom as a wonderful woman and a responsible one.
Sakanilang mga anak ay si Janella ang hindi nagpasakit ng ulo nila, because the twins always argue with even small things because they were exactly opposite of each other's personality. Pero palaging ang ate nila ang namamagitan sa dalawa.
"I guess not princess, ikaw pa? Mana ka kaya kay Daddy so you're so beautiful for sure!" pagmamalaki nya sa panganay na anak at hinagkan ito.
"Mommy is angry now Dad. Lagot ka!" her daughter teased him. At tinignan nya ang asawa at may masamang tingin nga ito sakanya.
Niyakap din nya ang asawa at hinalikan itong muli. Ayaw kasi nitong sinasabihan na sakanya nagmana si Janella because it was really obvious that all her first daughter's attributes and features are from her wife Ella.
Lagi kasi nilang tuksuhan na kapag mabait ay kay Ella nagmana, pero kapag may nagawang kalokohan ay sakanya.
But whatever they do, they love them nonetheless.
Nagkwento pa ang tatlo sakanya habang nakikitawa at nakikinig silang mag-asawa sa kanilang mga anak.
They waited few hours to finsh what he needs to do at the restaurant bago napagpasyahang umuwi na kasabay ang mga ito.
"How's your day Love?" Ella asked him nang sila na lamang dalawa.
"I'm good, busy lang sa kitchen kanina. I supervise the menu for Janella's birthday next month. So far it is good but I want it perfect for our princess." He said at tumabi na rin ng higa dito.
"Are'nt we making it a big deal? Masyado nating binobonggahan!" natatawang sabi ng asawa.
"Are we? Well, gusto ko lang i-spoiled ang anak natin. I want to give her the best for being the best daughter." Komento niya.
"Sabagay she deserve it. And it is every girls dream I think? Aside from having a dream wedding.. Wearing fancy gowns and feeling like a princess during your debut.. You know what Love, it was also a dream for me before. Pero dahil hindi namin afford noon ang ganito kagarbong debut kaya hindi natupad yon.. Atleast, Janella will living my dream. " mahabang sentimyento nito.
Jaden looks at her wife at hindi nya napigilan na yakapin ito.
"Yeah.. But we can still do that. Do you still want to have your own debut?" He asked. Not kidding though. Gusto nyang ibigay at iparanas din iyon sa asawa nya.
"Hindi na ako mukhang 18! In two years I'll be in my 40s!" salansa nito sakanya ng natatawa.
"You don't look like one? Para kang early 20's palang." pambobola nya kaya't kinurot nito ang tagiliran niya.
"Ikaw talaga puro ka pa din kalokohan!" sermon nito sakanya but he just hugged her.
"I'm not kidding.. But let's do that. You'll have your debut on your 40th birthday Love. Instead of 18 roses it will be 40 roses!" He cheered na ikinatawa nito.
20 years being married to her is still wonderful experience for them. Walang nagbago. Hindi ang nararamdaman nila para sa isa't isa.
Hindi man naiiwasan ang mga pagsubok, hindi pagkakaintindihan, at anuman ang kanilang napagdaanan nanatiling matatag sila para sa pangakong sinumpaan nila sa isa't isa.
In sickness and health, for richer or for poorer.. Till death do they part..
Para kay Jaden wala nang ibang babae pa ang makahihigit kay Ella sa puso at buhay nya.
KINABUKASAN ay maagang gumising si Janella upang mag attend ng meeting ng Student Organization na kinabibilangan nya. They ate their breakfast together at pagkatapos ay sinimulan na ang mga gawain na nakatask sakanila. Their family is so organized, mayroon silang schedule kung sino ang magluluto, sino ang nakaassign na maghugas ng pinagkainan. Those simple chores ay sakanila ipinagagawa ng mga magulang at wala naman silang reklamo na magkakapatid. Ang rason ng kanilang Mommy ay pareparehas silang mga babae at dapat lamang daw na mayroon silang alam sa mga gawaing bahay. And since she was assigned to wash the dishes ay tinapos muna nya iyon bago gumayak papunta sa school kung saan ang meeting place nila.
Nagpaalam na si Janella sa mga kapatid dahil nauna na sa trabaho ang Mommy at Daddy nya. "Take care here. Wag na kayong mag aaway ahh. Kapag nabalitaan ko kay Nanay Rosie na nag away kayo isusumbong ko na kayo talaga kay Mommy." habilin nya sa kambal.
"Yes po ate.. Si Reina lang naman ang laging nagsisimula.." sagot ng bunso nila na ikinasimangot ni Reina.
"Ingat ka din po ate!" yakap naman sakanya ni Reina. They kissed them both bago umali at magpahatid sya sa kanilang driver.
Nasa intersection na sila ng highway at huminto ang sasakyan dahil sa top light ng makita nya ang matanda na nahihirapan lumakad upang makatawid ng pedestrian lane. Nagpaalam sua kay Manong Carlo na bababa sya saglit upang alalayan ang matanda. She quickly step out of the car and help the old woman. Nagcause iyon ng traffic dahil sa bagal nitong maglakad subalit hinintay din muna silang makatawid ng ilang sasakyan na nasa unahan na ikinapagpasalamat niya.
"Ingat po kayo Lola. Bye bye po." Magalang na paalam nya sa matanda at bumalik sa sasakyan nila.
"JANELLA! Kanina ka pa hinahanap ng mga kagrupo mo. Saan ka ba nagpunta?" tanong ni Missy sakanya ng makita sya nito.
"Sorry, may nakasalubong kasi ako kanina na kailangan ng tulong ko. Pasensya na.. I'll catch up to them. Thanks Missy!" Nagmamadali nyang sabi at tinakbo ang room kung saan nakaset ang meeting place nila.
She is the Vice President of Student's Body Organization ng Senior High Department ng School nila. Consistent Honor student din sya.
Janella Aurea De Vera is both academic and people smart person. Marunong makisama at may malasakit sa kapwa. Everyone likes to be friends with her.
"I'm sorry Pres.. I'm late.." hinging paumanhin nya ng makarating sya sa meeting place.
"You are finally here Janella.. Nagsimula na kami, I'll just explain to you later what you have missed." Tugon ni Darren na President nila. Tumango sya rito at tipid na ngumiti bago umupong kasama nila.
The meeting starts and everyone shares their ideas kung papaanong ioorganized ang welcoming party for the freshman and transferee.
Mula sa registration, activities, strand initiation, and everything that the program needed ay mabusising pinag usapan at isinaayos na nila.
Sa susunod na buwan na kasi ang muling pagbubukas ng klase at inaasahang ang 500 bagong estudyante ng Senior High School department ng EK University.
"Okay so starting next week we will start with the physical preparation. Focus on your tasking especially Strand Representatives. And as of general concerns you can approach me and Janella." Darren said and everyone responded to him.
Isa isa nang nagpaalam ang bawat kasamahan nila at naiwan nalang sila ni Darren doon.
"Why are you late? " Darren ask her nang sila nalang dalawa ang naiwan.
" Something came up, muntik na kasi masagasaan yung matanda kanina na nakasalubong ko sa daan at wala man lang tumulong so ako nalang ang naghatid sakanya sa pupuntahan nya. I'm really sorry Pres." Hinging paumanhin muli nya rito.
" You are too kind. Kaya ka naabuso dahil sa kabaitan mo. Sometimes you forgot to consider your own welfare. What if the old woman that you helped is a con artist. She might be a harm to you. "Pagsesermon nito sakanya.
" Ang judger mo naman! There is nothing wrong about helping others. Besides, I actually don't care of others intention, good or bad whatever it is tutulomg pa din ako because I have the capability to help. What matters to me is my own intention and that is to genuinely help them. Bumalik man iyon or hindi atleast I did my part because that is what our Lord Jesus told us to be. To be the salt and light of this world. " mahabang paliwanag nya dito.
"You preached again. Sinasabi ko lang naman na mag iingat ka din sa mga nakakasalamuha mo dahil hindi lahat ng tao kasing buti mo." Pag irap nito at iniligpit na ang gamit nito.
Natawa naman sya sa kaibigan at sumunod na rin palabas kasabay nito. Well, Darren is also her friend. Masungit nga lang talaga ang lalaki kung minsan but he is smart also in all aspect kaya nga nang manalo itong President ng Student Body Organization ay alam nyang he will do his best as a leader.
Excited na sya dahil Grade 12 na sya at isang taon nalang at magkakapag kolehiyo na sya sa dream school nya. Ang University of the Philippines.
Sa taong ito rin ay nakahalera syang kandidata sa susunod na Editor in Chief ng student publication nila. Though she's the youngest candidate dahil mga kolehiyo na ang kasamahan nya. But she's praying to be one. Pangarap nya kasi ang maging isang manunulat.
After ng meeting nya sa school ay nagderetso sya sa restaurant ng Daddy nya upang gampanan ang part time job nya rito.
She is a part time waitress sa Restaurant ng Daddy nya. Since bakasyon nila ay hinahayaan sya nito.
She wants to experience those things para maging open sya sa reality of life. Kasi naikwento sakanya ng Tita Denise nya ang kabataan nito and how she live independently. Doon daw nito nakita ang kahalagahan ng lahat ng bagay.
Being grateful is the root of all other virtues. Dahil pag naging grateful ka daw sa mga bagay na mayroon ka, it will lead you to be humble always, respectfull, and trust others too.. At tama nga ito. Ang dami nyang natutuhan sa mga simpleng taong nakakasalamuha nya.
Other people do not have what she have had. And she is so blessed with everything she had right now. A complete and supportive family, a good education, healthy body and they are stable financially.
Wala na nga syang mahihiling pa dahil para sakanya ay kompleto na sya. God blessed her so much and she will always be grateful for that by helping others too.
"Hello Dad!" bati ni Ella sa kanyang ama nang makapasok sa opisina nito at hinalikan ito sa pisngi.
"Hello too my princess.. Did you finish your meeting?" he kissed her forehead too like he always does.
"Yes po. And everything went well. On going na din po ang physical preparation namin for the event." magiliw na pagkukwento nya.
"That's great, well you should rest and prepare too. Since next week will be your birthday mag off ka muna sa part time job mo dito sa Casa and rest well until your day okay?" His father suggested.
"Ang layo pa po non Dad! 4 days pa. I can still work here you know." She insisted.
"Still a no my Princess.. Maraming pwedeng mangyari sa apat na araw na pagtatrabaho mo dito. Especially when you are in the kitchen. Also this is you Mom suggestion, sinang-ayunan ko lang din." napairap nalang si Janella sa pagkapraning minsan ng mga magulang nya but in the end she obeyed.
"Okay fine. Umiiral nanaman po ang pagka paranoid nyo ni Mommy. Dalaga na ang anak nyo Daddy. I know how to take care of myself na." paninigurado nya rito.
"Of course I know that, hindi lang din kami sanay na ng Mommy mo na hindi kayo inaalagaan. I promised you that you will be my forever baby kahit matanda kana right?" natawa sya sa sinabi nito.
"Yes po Dad." she said smiling dahil naalala pa rin nito. Sya ang panganay pero dama nya pa rin ang espesyal na turing sakanya ng mga ito.
"Oh, since I remember that promise to you I forgot to tell you, still no boyfriend even though you are 18. Dapat pagkagraduate mo nalang ng college." biglang open ng Daddy nya na ikinagulat nya.
"Dad! Ang tagal pa po non." nakabusangot niyang sabi.
"Basta hindi pa pwede. I was 22 already when I had a first girlfriend. And marry your Mom at 32."
"So I need to wait for 5 years pa? Ang tagal naman non Dad." kunyaring nalungkot sya. But deep inside she don't mind naman obeying her Dad's request since entering into a romantic relationship didn't cross in her mind yet.
"Why? Gusto mo na bang mag boyfriend? Sino ang lalaking yon? Isa ba sa 18 roses mo?" biglang naging istrikto ito na ikinatawa ni Janella.
"Wala po don Dad! Pero gusto ko na din magka boyfriend Dad. Gusto kong maging boyfriend si Jin, or si Namjoon, pwede din si Yoongi, lalo na si Hoseok saka sa Jimin or Taehyung lalo naman si Jungkook Dad! Kahit sino sakanila Dad ay gusto kong maging boyfriend." nangingiting sabi nya at kinikilig pa nang maisip ang paboritong kpop idols nya.
" Ang dami mo naman gusto anak. Isa lang dapat. Ako nga 5 taon kong hinintay ang Mommy mo bago ko naging girlfriend." sagot naman nito na nagtataka sa sinasabi nya.
"Sige po isa nalang.. Si Jin po ang napili ko." bungisngis na sabi nya.
"Sige sabihin mo sa Jin na yan ay hintayin kang makatapos ng kolehiyo. Kung mahal ka talaga nyan ay handa kang hintayin non." kumpiyansang sabi ng Ama nya.
"Opo Dad. Sana nga po hintayin ako ni Jin." natatawang sabi nya.
Nagkuwentuhan pa sila ng Daddy nya hanggang sa kailangan na muli nitong bumalik sa trabaho habang sya naman ay ipinahatid sa bahay nila upang makapag pahinga na.
She had an amazing and cool parents. Grateful sya sa Diyos for her family. Hindi nya masasabing perpekto ang mga magulang nya subalit naiintindihan niyang ginagawa nila ang lahat para mapabuti ang kanilang pamilya.
Saglit syang nakatulog matapos makapagpahinga at pag gising nya ay nasa isang sulok na ng kwarto nya ang isang mannequin kung saan nakadisplay ang damit na susuutin nya sa kanyang debut.
It is a light purple and silver gown na ayon sa disenyong gusto nya. Simple lang iyon subalit maganda ang pagkakayari nito.
Napangiti sya sa nakita.. "Wow, it exceeds my expectation!" natutuwang sabi nya nilapitan ang damit at sinuri ang bawat sulok niyon.
Napakaperpekto ng pagkakagawa. Agad naman niyang hinanap ang Mommy nya.
"Mom! The gown is so pretty!" she excitedly said to her at niyakap naman sya ng ina.
"I'm glad you like it." natutuwang sabi nito at muling hinalikan ang pisngi nya.
"Thank you so much Mom."
"Anything for our princess.. By the way bumaba kana and eat your snacks. I didn't wake you up kanina kaya nauna na kami ng kambal." sabi nito at inalalayan sya patungong kusina.
She has a sweetest Mom ever!
====
©Miss Elie