Week 2- How to design characters/ Chapter 2

2027 Words
TODAY is the day! Sa isip isip ni Janella. Ngayon ang araw na pinaghandaan hindi lamang niya kundi ng kanyang pamilya. Pagkagising pa lamang ni Janella ay bumungad na sakanya ang isang bouquet ng daisy na pinaka paborito niyang bulaklak. Napangiti siya sa nakita at agad na tinignan kung kanino nanggaling. Lalong lumapad ang kanyang ngiti ng makitang sa Daddy nya iyon at may mensahe pang nakasulat doon. Happy birthday my Princess! Daddy will always be here for you and will give you the best of this world because you deserve it. We love you! Iyon ang nakasulat sa note kaya naman simula pa lamang ang araw nya ay tila binuo na agad ng super sweet niyang ama. No man can ever compete to her heart along side with her Dad. Kaya nga kung pipili sya ng lalaking mamahalin iyon ay kagaya ng Daddy nya. She started her day with her morning routine and step out of her room. Doon naman ay nasalubong siya ng kambal at binati siya ng mga ito. "Ate Happy Birthday!" Reina cheerfully said and hug her. "Happy Birthday Ate. Love you!" Pagbati din ni Hara sakanya at niyakap sya. "Ako din ate love kita hindi ko lang naidugtong sa greetings ko." singit ni Reina nang marinig ang bati ni Hara sakanya. "Maraming salamat! Mahal na mahal din kayo ni ate!" Natatawang pinanggigilan niya ang pisngi ng dalawa at pinasalamatan ang mga ito. "Bumaba na tayo para mag breakfast dahil may photoshoot pa tayong naka-schedule ngayong umaga sa venue." nakangiting sabi nya sa dalawa at sabay sabay silang bumaba ng hagdan at nagderetso sa kusina kung saan naabutan nilang magkatulong na nagluluto ng almusal ang Mommy at Daddy nya. " Good morning po!" " Good Morning Daddy! " " Good Morning Mommy!" Sabay sabay nilang bati nang makita sila ng mga ito. Magkakasunod silang lumapit sa mga magulang nila at hinalikan ang mga ito sa pisngi. "Good morning din sa mga prinsesa ko at syempre Happy birthday too my princess!" Bati ng Daddy nya at niyakap sya ng mahigpit. "Thank you Dad. And I love the flowers! Love you po!" she cheerfully said to him. "Happy birthday din anak. Dalaga kana talaga.. I love you Janella." Bati rin ng Mommy nya at sya naman ang niyakap nito. "Thank you so much Mom, I love you too.." she said and kissed her mom's cheeks. Lagi naman masaya ang breakfast sakanila dahil lagi silang magkakasabay kumain pero mas espesyal ang umagang iyon dahil lahat ay ginawa para sakanya. Matapos ang agahan ay gumayak na sila papuntang venue ng debut niya sa isang sikat hotel. Doon na sila aayusan at ang photoshoot din nya at ng kanilang pamilya. "Good morning and Happy Birthday Ms. Janella! Are you excited for today?" salubong na bati ni Ms. Karen sa kanya na siyang event coordinator na kinuha ng Mommy nya. "Thank you Ms. Karen!" nakangiting  sabi niya at niyakap din ito. "Yes po I'm excited! I saw the pictures and I can't wait to see it personally!" Natuwa din ito at may ilan pang detalye ang binigay sakanya. Kinausap din ang parents niya for other instructions bago sila sumakay ng sasakyan. "Is everything good?" paniniguro ng Daddy nya bago sila umalis sa bahay. "Yes love okay na. We can go." imporma ng Mommy nya at muli silang pinaalalahanan ng ama na isuot ang seatbelt bago pinaandar ang kotse nila. Alas nuebe palang ng umaga at isang oras din ang byahe nila papunta sa venue na napili ng Mommy niya. Nakasunod sila sa sasakyan ng team nila Ms. Karen. She check her phone and she recieve a lot of messege and greetings from her relatives and friends. Hindi na nya nareplayan ang lahat ng iyon sa sobrang dami ng pagbati sakanya. Excited syang makita ng personal ang venue. Kinuhanan na ng pictures ng event coordinator nila ang venue at ipinakita sakanya iyon at napaka engrande niyon sa larawan palang! Kaya nga bago magderetso sa hotel room nila ay pinasilip sakanila ni Ms. Karen ang venue at gayon na lang ang pagkamangha niya ng makita ang kabuuan ng function hall. It is the grandest interior design na nakita nya. May mahabang hagdanan pababa na siyang nasa sentro ng malawak na function hall. It has an exquisite ceiling design where a huge chandelier was the center piece surrounded by lilac color ceiling decors and lights. The pathway in staircase and hallway has a purple design carpet. Habang ang magkabilang gilid ng hagdanan ay may nakaset up na dalawang malaking screen kung saan naka-flash ang larawan niya. Sa ibaba ng hagdanan naman ay mayroong maluwang na espasyo kung saan magiging sentro at pagdarausan ng kabuuan ng programa. Nakaset up naman sa magkabilang gilid area ng mga guest nila. Nakaset up na doon ang mga center piece sa bawat table na artificial flowers na kulay puti at lila. Napapalibutan ng kulay puti at lila ang kabuuan ng function hall at binuhay ng effects ng ilaw ang buong lugar. "Wow! Ate this is so grand!" hindi lamang sya ang humanga sa ganda ng kinalabasan ng venue kundi gayon din ang mga kapatid nya lalong lalo na si Reina. Because this is far more beautiful than their idea alone. Hindi nila akalain na mas maganda pala itong makitang totoo. "Impressive Ms. Karen.. Hindi ako nagkamali ng pagkuha sa team nyo." masayang sabi ng Mommy nya. "Kami din po ay humanga sa kinalabasan at masaya po kaming nagustuhan ninyo." masayang sabi nito. Nagpasalamat din sya rito at nakangiting inaya na sila sa hotel room nila kung saan naghihintay ang make up artist na mag aayos sakanila. Agad silang inayusan doon at panay ang puri sakanya ng make up artist dahil natutuwa daw itong ayusan ang may magandang features na kagaya nya. Mas madali daw kasing i-enhance ang ganda ng mga kagaya niya. Thanks to her parents genes! Tinulungan din syang magbihis ng naka assign sa wardrobe at saka siya kinuhanan ng larawan sa venue. Nakailang palit din sya ng damit bago natapos ang photoshoot niya at puring puri din sya ng photographer nila. Ala-una na rin nang hapon natapos ang photoshoot nya sa venue at pinagpahinga muna siya. Alas siyete pa kasi ng gabi ang simula ng programa ng debut nya kaya maari daw muna silang magpahinga. PASADO ala-siyete na ng gabi at nagsisidatingan na ang karamihan sa mga bisita na pawang malalapit na kaibigan at kamag anak niya. Gayon din ang ilang mga malalapit na kaibigan sa negosyo ng pamilya nila. Both side kasi ng mga magulang nya ay sya ang unang babaeng magde-debut sa generation nila. Ang pinsan nyang si Kuya Gabriel kasi ay walong taon ang tanda sakanya habang kanya namang mga pinsang babae ay sa mga susunod na taon pa. Kaya gayon na lamang kaespesyal ang araw na ito para sakanya. Hindi lang kasi sya ang excited kundi gayon din ang malalapit na kamag-anak nya. "Are you ready Miss Janella?" Tanong ni Ms. Karen sakanya dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na. "Yes po.. I'm quite nervous but also excited." pag-amin niya. At ilang minuto pa nga ang nakalipas at tinawag na sya para sa grand entrance ng debutant. She deep sigh before she step out. "LET US all welcome the beautiful debutant, Miss Janella Aurea De Vera.." anunsiyo ng emcee. Nagsitayuan ang lahat at pinalakpakan sya. She smiled brightly at everyone then gracefully walks down the stairs where everyone look at her with admiration. Mabuti nalang at nakapag practice sya kung paanong maayos na lumakad sa mahabang hagdanan na ito sapagkat nakakahiya kung matapilok sya habang pababa lalo at lahat ng tao roon ay nakatingin sakanya. Thanks to her mom for training her how to walk properly with her gown and high heels so she confidently walks with grace. Malapad nyang nginitian ang Daddy nya na syang nakaabang sa kanya sa dulo ng hagdanan sapagkat ito ang escort nya sa gabing ito. Actually her first choice as her escort was his cousin Kuya Gab. But her dad insisted that it has to be him so he will be her first and last dance. Wala namang kaso iyon sakanya. Tanggap na nyang masyado silang mahal ng ama kaya ganoon ito umakto. He is the only man in their home so he promised to protect them. And besides she is also a daddy's girl but that's their secret because her mom will surely get upset if she knows about this. The program starts with a prayer then followed by video greetings from her friends and relatives. The ceremony starts and she was so overwhelmed with all the birthday wishes and gifts she recieved. Iyak at tawa ang nangyari sa mga birthday messeges na narinig nya sa mga magulang, kapatid at mga kaibigan niya. "To my ever loving and sweet apo. I will always be proud of who you become at present. My prayer for you  is that God will remain faithful to you and may His will be done in your life. Just be obedient and faithful to God in whatever situation you might have in the future and always include God in everything you do. We love you so much Janella." mensahe ng Lola Jia nya. She hugged her and say thank you for being the best grandparents for them. It is followed by her Lolo Yvan with his gift that surprises some of her guest. Hindi na sya nasorpresa ng regaluhan sya ng kotse nito dahil ito lang naman ang isa sa may-ari ng kilala nang car company sa bansa. Ang mga kaibigan niya na hindi masyadong kilala ang pamilya nya ay namangha sa regalo nito subalit hindi ang malalapit sa pamilya nila. Alam kasi ng mga ito kung gaano kagusto ng Lolo nila na i-spoil silang magkakapatid. Sadyang hindi lang din kasi sila mahilig sa mga materyal na mga bagay dahil pinalaki silang magkakapatid na marunong makuntento sa mga simpleng bagay. Hindi na nya maisa-isa ang mga regalong natanggap nya nang gabing iyon dahil napakarami niyon. But aside from that she was grateful for all the love and support they gave to her. Isang napakagandang regalo na iyon para sakanya. She was also surprised by the "Idol" dance cover performance participated by all her cousins and siblings! Even her guest enjoyed it kahit hindi nila naiintindihan ang song ng paborito niyang idol group. "Did you like our dance Ate?" Hara asked her nang matapos ang performance ng mga ito. "Yes! I love it! Kinaya nyo yun ang galing!" natutuwang sabi nya at isa isang niyakap ang mga pawisang pinsan. Well, sino ba naman ang hindi mapapagod sa sinayaw ng mga ito? She had no talent in dancing that is why she really appreciate their dancing skills! Not perfect like her idols but close enough. "We are glad you like it Ate Janella, nakakapagod magpractice!" natatawang sabi ni Zac sakanya. Siya na yata ang pinakamasayang tao nang gabing iyon. Kaya naman bago matapos ang programa ay tinawag na sya ng Emcee upang magbigay ng mensahe at pasalamatan ang mga dumalo sa debut nya. "I actually practice and memorized what I wanted to say tonight but I lost all those words because my heart can't contain the joy I am feeling right now. I know that the word thank you is not enough for all the love you all gave to me... To my amazing parents, Mom and Dad I always thank God for having you both and for excisting in this world as one of your children.. thank you so much for making me feel special not just tonight but even to  everydays of my life. I love you both.. To my siblings, relatives, friends, churchmates, and everyone here who celebrates with me. Thank you so much.." she sincerely said at yumukod sa mga ito. Narinig niyang naglalakpakan ang mga tao roon sakanya. Before her special day ends she thank God for all the blessings she had. Wala na siyang mahihiling pa. Matutulog na sana sya when she recieve a call napangiti sya nang makita kung sino iyon.  "I apologized for not coming.. I'll make it up to you.. " sambit ng lalaki mula sa kabilang linya.  === ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD