"TOMORROW make sure that the program and activities will happen accordingly because honestly, for those batches of student leaders I handled so far this batch made the most impressive ideas. Kaya nga maraming mga school administrators ang naglo-look forward para bukas. Which made me proud that I am your adviser but at the same time pressured. But now that everything is settled and smooth we'll be good. Just incase any problems may arise in your respective areas tomorrow report it immediately to Darren or Janella." Papuri sakanila ng Org. Adviser nila na si Ma'am Lisa na sobrang ikinatuwa nila.
" Yes Ma'am makakaasa po kayong this school year's activities will be exciting for Senior High School Department." Kumpiyansang sagot ni Darren at sabay sabay silang nag-cheer sakanilang Presidente at sumang-ayon dito.
Muli silang pinasalamatan ni Ma'am Lisa at ibinigay din nito sakanila ang two way radio para mas makapagcommunicate silang lahat bukas.
Matapos ang ilan pang mga paalala sakanila ay kanya kanya muling check ang lahat sa areas assigned sakanila. First time kasi ng karamihan sakanila ang mag-organized ng ganitong event na pinakahinihintay talaga ng mga estudyante.
"How's your knee?" tanong ni Darren sakanya. Na-sprain kasi sya kahapon ng makitulong sya sa mga nagbubuhat ng box na naglalaman ng materyales na kakailanganin nila bukas at hindi sinasadyang natisod siya kaya naman imbes na nakatulong sya kahapon ay nakaperwisyo pa nga dahil naging abala pa sya sa mga kasamahan nya.
" I can properly walk now. Paminsan minsan nalang masakit pero kaya ko naman." nakangiting sabi nya at ginalaw pa ang paa kung saan sya nai-sprain.
"Maging lesson sayo yan. Ang hilig hilig mong mag presintang tumulong kahit hindi mo naman kaya. Mag social worker ka nalang kaya?" natawa sya sa sermon ni Darren sakanya.
"Kaya nga.. Pipiliin ko nalang yung hindi mga mabibigat gawain para hindi rin ako nakakadagdag pa sa alalahanin nyo." Nakakaunawang sabi nya.
Naguilty rin kasi sya kahapon dahil nang mai-sprain sya ay halos lahat sa mga kasamahan nila ay natigil sa ginagawa at inalam ang naging lagay niya kaya naman imbes na maaga silang nakatapos ay nalate sila dahil sakanya.
"That's good! Kahit papaano ay marunong ka rin palang makinig." sambit nito at ginulo ang buhok nya bago nagpaalam na icheck muli ang mga area.
Inabala na lamang ni Janella ang sarili sa pagcheck ng mga supplies na kailangan nya para sa registration bukas. Sya kasi ang overall in-charge sa registration.
KINABUKASAN ay nakaabot ang lahat sa call time nila. Sa huling pagkakataon ay muli silang binilinan ni Darren bago sila magpunta sa kani-kanya area kung saan sila naka-assigned.
"Guys this will be our first activity and let us leave a good impression to everyone. We can finally see now what we have prepared for more than a month. Kaya pagbutihan natin. Okay?" habilin ni Darren sakanila at tumango sila.
"Yes President!" sagot nila dito at naghawak-hawak ng kamay para ipanalangin ang tatlong araw na activity na inihanda nila. Pare-parehas silang kinakabahan subalit mas nangingibabaw ang excitement sakanila.
Ang maging parte kasi ng Student Supreme Council ng isang Elite School gaya ng EK University ay makapagbubukas ng maraming oportunidad sakanila sa hinaharap.
May ininibigay na full scholarship ang kanilang paaralan at lifetime recognition for being excellent student leader na ikinokonsidera ng maraming mga kompanya sa loob at labas ng bansa.
Ang EK University kasi ang isa sa mga sikat na paaralan na hindi lamang nagpo-produce ng pinakamahuhusay at matatalinong estudyante kundi higit sa lahat ay naghuhubog din ito ng karakter ng isang mabuting mamamayan.
Kaya nga bagamat Elite ang mga nakakapagtapos dito ay nakikitaan ang mga ito ng malasakit sa kapwa. Iyon ang pinakapinagmamalaki ng kanilang paaralan.
Kaya nga bago ka maging candidate for Student Supreme Election ay masusing sinusuri ang karakter at ang standing ng kanilang mga marka.
Subalit hindi ang mga iyon ang dahilan kung bakit nya ginustong maging kabahagi ng Student Supreme Council.
Gusto nya kasing magamit ang impluwensyang ito upang marami siyang matulungan hindi lamang mga kaklase niya kundi ang buong department din nila.
"Good morning! Your name Miss?" Candy asked one student who approached the registration area. Iilan pa lang ang tao dahil maaga pa.
"Elaine Arcilla.. Transferee po.." mahinang sabi nito. Napansin niyang mukhang mahiyain ang babae kaya naman sya mismo ang nag-asikaso dito.
"Hi Elaine! Ako nga pala si Janella, saang strand ka pala?" pagpapakilala nya rito at sinimulan niyang makipag usap dito habang hinahanap ni Candy ang pangalan nito.
"12 STEM-Engineering po block 1." Tipid nitong sagot na tila nahihiya pa sakanya.
"Talaga? Magka-blockmates pala tayo!" natutuwang sabi nya kaya naman nagpaalam muna sya sa mga kasamahan nya at sinamahan si Elaine na maupo sa area ng Strand nito habang hindi pa naman sya gaanong kailangan sa Registration.
"Ganoon po ba.." sagot lang nito.
"Yes, anyways may mga friends kana bang nakasama dito?" umiling lang ito sakanya. Sinubukan nyang kwentuhan ito ng mga bagay bagay sa school nila at tinanong din nya ang background nito. Kung saang school ito nanggaling at ano ang rason nito sa paglipat.
Nalaman niyang international student ito pero napaka-fluent magtagalog na ikinatuwa nya. Subalit nang malaman nya rito ang rason ng paglipat nito ay nakisimpatya sya kay Elaine.
Nabully daw kasi ito sa dati nitong school dahil hindi fit ang personality nito sa environment ng dati nitong pinag-aaralan. Kaya naman dito na lamang daw sya pinag-aral kahit pa malayo na ito sa pamilya. Sa Sweden daw nakabase ang pamilya nito at naihabilin na lamang sya ng mga magulang nya sa grandparents nya dito sa Pilipinas.
Bullying at depression din ang unang suspetsa nyang rason nito dahil halatang ilag ito sa tao at napakababa ng kumpiyansa sa sarili base sa naging obserbasyon dito.
"Don't worry Elaine, no one will harm you here.. At kung mayroon man sabihin mo sakin." sinserong sabi nya at hinawakan ang kamay nito.
"Salamat Janella.." may tipid na nakangiting sabi nito. Makikipagkwentuhan pa sana sya rito subalit tinawag na sya ng mga kasamahan nya at nakakaintinding tumango naman si Elaine sakanya at muling nagpasalamat.
Sakto alas nuebe ng umaga ng magsimula ang programa. Isa-isang tinawag ang miyembro ng Student Body Organization ay ipinakilala sila, gayon din ang mga program head ng bawat strands.
Matapos ang general orientation ay kani-kanyang punta na ang lahat sa mga respective building base sa kung saan ang Strand nila for other prepared activities for them.
"Dear students, kindly proceed to your respective building according to your Strands. Follow the assigned representatives to guide you. Thank you.." anunsyo na ng Emcee nila nang matapos na ang General Orientation.
Bago kasi magpunta sa mga designated strands ay sa function hall muna ng department nila io-orient ang mga freshman and transferees para sa mga school policies, and up coming activities ng school at ng kanilang department.
Binubuo ng tatlong araw ang activity na ito at ang unang araw ay intended for General Orientation purpose and showcasing of the different Strands ng department nila.
Ang ikalawang araw naman ay Getting-a-long activity ng bawat Strand. Layunin nito na mai-build ang friendship at ma-adopt ang core values ng bawat Strand sa mga estudyante.
At ang ikatlong araw naman ay ang Strand Initiation. Doon na kabilang ang mga Grade 12 ng bawat Strand kung saan kanilang iwe-welcome ang mga freshmen at transferee base na nakaugaliang ritwal na nagsisimbolo ng opisyal na pagtanggap sakanila.
Sa loob ng tatlong araw na iyon ay naging punong abala si Janella at kahit pagod ay naenjoy nya ang ilang linggong pinaghandaan nila.
Iyon din ang simula nang pagiging malapit ni Elaine sakanya.
"Maraming salamat sa paghatid Janella.. Ingat ka sa pag-uwi." sabi ni Elaine ng papababa na ito sa sasakyan nya matapos itong ihatid sa bahay nito.
Naabutan kasi sya itong naghihintay sa waiting shed malapit sa school. Ginabi na kasi silang nagsi-uwian nang matapos ng matagumpay ang unang activity nila. At sa kanyang pag-uwi ay nakita nya itong si Elaine na parang hindi alam ang gagawin.
Hindi daw kasi ito masusundo ng driver nila at hindi pa rin ito marunong mag commute kaya sya na mismo ang nagpresintang ihatid ito.
"No worries Elaine.. Bye bye!" she said before she drives home.
Doon lang nya napansin na nakasunod pa rin hindi kalayuan sakanya ang kotseng kulay itim mula pa kanina.
She stays calm while driving dahil baka coincidence lamang. Nakahinga sya ng maluwag ng makaliko na sya papasok sa village nila at hindi na nakasunod ang itim na kotse sakanya.
==
© Miss Elie