Chapter eighty one ANDY’S POV’S FLASHBACK Umaga nanaman, papasok na ako sa school, siguradong magagalit sa akin si Shon kapag dumalaw ako sa ospital, hindi niya gusto na umabsent ako ngayon at magbantay ngayon sa kanya Palabas na ako ng apartment namin ng makita kong palapit ang lola ni Shon sa akin, ano nanaman bang kailangan niya sa akin? “pwede ba tayo mag usap?” hindi sya galit, hindi rin sya mukang naiinis, kalmado lang ang muka niya “ano pong pag uusapan natin?” “nalugi ang kompanya namin simula ng na comatose ang papa ni Shon” nagumpisa syang magsalita, hindi ko alam kung bakit niya kinikwento ang mga yan “hindi ko alam kung pano patatakbuhin ulit ang kompanya,muntik ng nalugi ang kompanya namin, pero sinalba sya ng pamilya ni Faith, malaki ang utang namin sa kanila, kaibigan