Chapter eighty ANDY’S POV’S Mabilis na nagamot si Shon dahil na rin nandito ang mama niya, agad na inasikaso sya ng doctor, iba talaga kapag mayaman ka, ikaw ang priority ng lahat, yun ang napagtatanto ko ngayon Matapos syang salinan ng dugo, nilipat sya sa isang private room, nandito parin ang lahat ng kaibigan namin, pati na rin ang mama niya, nasa isang sulok lang ako ng kwarto “nasaan ang apo ko?!” agad kaming nanahimik ng pumasok ang lola niya at si Faith dito sa loob Lumapit ang lola niya sa natutulog na Shon, umupo sya sa tabi ng apo, at tinitigan ito ng matagal, hindi ako makatingin sa kanya, peo ng saktong tumingin ako sa kanya, nakita ko ang mata niya na puno ng galit Mukang ako ang sinisisi niya Umiwas na lang ako ng tingin “tita labas lang kami” narinig kong bulong ni B