Chapter eight
Lumabas ako sa klase ko, halos mangiyak ngiyak ako, dahil wala naman akong kasalanan bakit hindi man lang nila alamin kung nagsasabi ba talaga ako nang totoo
Hindi naman ako nagsisinungaling ah, naglakad na lang ako hanggang gate,wala na talag akong ganang mag aral, pero kailangan ko paring mag aral, saan naman ako pupulutin kung hindi ko to ipagpapatuloy.
Kung lilipat naman ako sa ibang school ay wala akong tuition, buti dito at libre tuition ko, bahala na, kayak o pa namang mag stay dito, may mga tao pa namang nag aalala para sa kin tulad ni Charee
Habang naglalakad ako ay may nasalubong akong isang mamahaling kotse, kelan kaya ako makakabili nang ganyan, mangarap ka Andy, hindi naman masama, libre naman mangarap eh
Nagpatuloy akong maglakad pero may naririnig akong may parang tumatawag” miss”
Boses matanda, nilingon ko ito , mukang sya yung sakay nang mamahaling kotse, lumapit sya sa akin at hawak hawk niya yun “wallet mo hija, nahulog mo”
“halla, salamat po”
Jusko akala ko mawawala nanaman to, second wallet ko na to, at may pera ako dito, hay buti na lang, tinignan ko yung bag ko, dito ko kase ito inilalaya araw araw, tuwing papasok
Mukang pati bag ko sumusuko na rin ah, may konting tas tas na kaya nahulog tong wallet ko,inalis ko na lang ito sa balikat ko at niyakap ko na lang ito para hindi na mahulog yung iba ko pang gamit
“salamat po ulit” sabi ko doon sa matandang lalake
“walang anuman” naglakad na sya papuntang kotse niya sinalubong naman agad sya nang driver niya
“Mr. Chavez okay lang po ba kayo?”
“yes, im okay, tara na”
Mabait sya, halata sa muka, professor kaya sya sa eskwelahang ito? Ano kaya sya dito? principal? Oh baka naman sya yung may ari? Pero imposible, dahil ang nagmamay ari nang eslwelahang ito
Ay myembro nang SYKOS, kaya posibleng ganun din ang ugali nila sa mga anak nila
******
Nasa tapat ako ngayon ng bahay, kung saan yung address nung naghahanap nang maid, ang laki neto sobra, mapapanganga ka, sa haba at lawak neto, pang isang buong baranggay na ata
“tao po”
Walang sumasagot hanggang sa may magsalita sa gilid nang gate “are you a guest?”
“huh?”
“are you a guest?”
Paulit ulit lang niya itong binabanggit, “sino to?” tanong ko doon sa parang screen
“are you a guest?”
“hindi po ako guest”
Bigla bigla na lang itong nag alarm na para bang bumbero matapos kong sabihin iyon, ang ingay grabe, may nakita akong lumabas mula sa loob nang malaking bahay.
“excuse me, anong kailangan niyo?”
“kayo po ba yung may ari?”
“no, and to think hindi ka guest dito?”
“mag aapply po ako bilang maid”
“sorry pero wala yung may ari nang bahay”
“pwede pa bang mag apply?”
“wala yung may ari kaya hindi ko masasabi kung pwede pa”
Naman oh, sayang yun, ang laki pa man din nang sweldo, tapos, dito ako titira sa bahay na to, ang laking wow lang nakakalula kase sa ganda yung bahay eh
“ah sya nga pala, kung babalik ka dito, at nagtanong ulit yang security..” pagtutukoy niya doon sa nagsasalitang screen “ sabihin mo na lang oo” pumasok na sya sa loob at iniwan ako dito sa labas
Maglalakad palang sana ako paalis nang may masalubong akong kotse, parang natatandaan ko tong kotse na ito , bumukas kaagad yung gate na para bang automatic, pero may guardya naman
Sinara ulit ito kaagad at sumilip ako mula sa labas, oo sya nga, yung nakapulot nang wallet ko, sya pala ang may ari nang bahay na to, wow lang, ang yaman grabe
May sumalubong din na magandang babae, feeling o asawa niya to, ang ganda at ang kinis, kutis mayaman nga naman, mukang reyna at mukang may halong royal blood yung babae
Nagbeso beso sila nung asawa niya, at yung lalake naman mukang problemado “problema nanama sila”
“honey, matatanda na sila hayaan mo na”
“pero mga isip bata sila sa ginagawa nila”
“ako na bahala sa anak natin”
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila, nasa labas lang kase ako at nakatanaw, parang ang sarap tumira sa bahay na ganyan, kaso, nakaklula naman anglaki, parang maghahanapan pa kayo nang mga kasama mo dyan.
Babalik na lang ako rito pag may oras ako, kailangang ako ang makuha, kailangan ko talaga nang pera ngayon, naglakad na ako palayo at bumalik na sa apartment, sa lungga ko
******
Nang matapat na ako sa building narito nanaman ang mga tingin nila sa akin, bahala kayo tumingin, hindi naman masamang tumingin, wag niyo lang ilalapit sa akin yang mga mata niyo, naku!!
***wwwooooosssshhh***
“maligo ka muna mukang di ka pa naliligo”
“haha oo nga, you look like dump”
“haha concern lang kami sa katabi mo “
Bwiset! ASAR! Asar talaga, pigil lang Andy, pigil lang, umalis na sila matapos akong sabuyan ng tubig! Grabe lang ah, kapapasok ko palang basa na agad ako?
Basa na yung uniform ko pati na rin sapatos ko, lahat basa na, hindi pa rin talaga nila ako tinitigilan ah, nagpipigil lang ako nang kamao, baka kase pag di ko mapigilan ang sarili ko maitapon ko sila sa buwan eh at makakita sila ng stars
“kalma lang Andy”
“kalma lang”
Maglalakad na sana ako papuntang room, oo dun ako pupunta wala akong pake kung makita nila akong basa, mga classmates ko naman ang gumawa neto sa akin eh, walang hiya talaga! Hahakbang pa lang sana ako ng may nagbato sa akin ng itlog
“HOY! ANO BA!” sigaw ko dun sa lalake na tumatakbo palayo na naghagis sa akin ng itlog, tae! Ang lagkit!
Sa sobrang inis ko at sa di ko na nga mapigilan ang bwiset ko, pumunta ako sa lungga ng teletubbies I mean ng Sykos! Ang putek talaga, binasa na nga ako binato pa ako ng itlog! Kainis!
Alam ko kung saan ang lungga ng mga yun, may mini club house dito sa shool na to na pinatayo daw nila sabi ni Charee sa akin, tambayan daw ng teletubbies yun, at yung mga alagad naman nilang mga minions may lungga din kaso kung pupunta ako dun mas marami sila, dun na lang ako sa teletubbies pupunta! Nang masupal pal ko ang pag mumuka ng leader nila!
Pagkatapat ko sa pintuan ng tambayan nila hindi na ako naglimang isip pumasok na lang ako kaagad, halatang nagulat yung tatalo na nasa loob, buti na lang nabawasan ng isa ang kakalabanin ko hohoho, wala si Stanly
“anong kailangan mo?” tanong kaagad ni Shon
Lumapit ako kaagad sa kanya at niready ko ang kamao ko “eto ang kailangan ko”
***BOOGGSSHH***
Napahawak sya sa pisngi niya kaagad, nagulat naman yung dalawang kasam neto sa ginawa ko sa kanya, namumuro na sila, hindi na tama to, kailangn ko ring lumaban
“kung sa tingin mo susuko ako, pwes nagkakamali ka”
Hindi sya makareact sa ginawa ko ganun din yung mga kasam niya, nakahawak lang ito sa pisnging sinuntok ko, bagay lang sa kanya yan, kailangan niya rin makaikim nang ganyan, para magtanda
“kung kaaway niyo ko, pwes kaaway ko rin kayo!” matapos kong sabihin yan ay lumabas na ako sa pinto
Hindi parin sila nagsasalita sa ginawa, napangiti naman ako dahil nakabawi na ako, ang sarap sa pakiramdam ang makabawi, naiinis ako, pero ngayon, maluwag na nang konte ang pakiramdam ko
Bumalik ulit ako sa loob nang club house nila at nagulat ulit silang tatlo sa pagpasok ko, may nakalimutan lang akong sabihin “tandaan mo Shon, hindi ako susuko”
Laban kung laban, wag lang silang gumamit nang daya dahil lugi ako kapag nagkaganun “sira ulo ka ba?” sa wakas at nagsalita na rin ang chanak
“kung sira ulo ako, eh anong tawag mo sa sarili mo?”
“hoy ikaw, babaeng alien, ANG LAKAS—“
“sumusobra na kayo, dapat lang sayo yan”
Lumabas na ako, baka kase kung ano pang magawa nila sa akin, bigla naman akong kinabahan, sana hindi na lang ako bumalik pa, ay naku! Andy, nasisiraan ka na ata nang ulo
Nang makalayo na ako sa pinto ay sakto naman ang dating ni Stanly, nakatingin sya sa akin habang papalapit ito, pero inisnob lang ako at pumasok na lang sya sa loob nang club house
Bakit sa apat na myembro nila sa kanya lang ako hindi galit?
Natutuwa pa nga ako sa tuwing nakikita ko sya,katulad ngayon, heto at kusang ngumingiti nanaman ang mga labi ko, dahil sa kanya, naku Andy, pigilan mo.
Humahanga ako sa isa sa myembro nang SYKOS? Ano bay an, bakit sa isa pa sa kanila, hindi ko sila ka uri, mayayaman sila kaya parang balewala lang ako sa kanila
Hindi ako nababagay sa mga yun, ang bagay sa kanila ay yung mga mayayaman ding tulad nila, mas magandang hanggang ganito na lang ako, oo tama, dahil dito ako nalulugar
Masakit din pala, masakit din pala ang sumuntok huhu mukang mamamaga tong kamao ko, tanga ka kase Andy,patay nanaman ako neto, baka mas malala nanaman ang gagawin nila
Pero kahit na, kaya pa naman anng katawan ko, sabi ko nga diba?
Wala nang atrasan to,eto na ang kapalaran ko, kaya tanggap ko na, kelan kaya matatapos lahat nang ito? Matapos pa kaya ang gulo namin nang SYKOS, baka naman hindi nila ako tigilan hanggat hindi nila ako napapatalsik dito