Chapter seven

1452 Words
Chapter seven Nagising ako sa sigaw ni manang, yung land lady nang apartment na to “HOY ANDY!!” “bakit po?” nagpupunas pa ako nang muka nang bumaba ako “may nagpapabigay sayo” may inabot syang black letter “kanino daw po galing to?” “abay malay ko” sabay alis na ni manang Umakyat na ako sa taas at inilapag yung letter, ang ingay ni manang, maaga pa naman eh, teka, black letter ba kamo? Napalaki yung mulat ko nang mata nang maalala ko yung sinasabi nilang black letter Kinuha ko kaagad ito at binuksan, may nakalagay sa loob na “SYKOS” ang nakalag sa harapan at nang tignan ko sa likuran “its time to pay” patay! ****** Pagpasok ko sa gate, huminga ako nang malalim para kumuha nang lakas nang loob, napatingin ako sa mga estudyante pero parang wala naman silang pakialam. Naglakad ako papasok, minamasdan ko ang mga estudyante pero, bakit ganun? Hindi ba nila ako pagtritripan? Busy sila sa paglalakad at busy sila sa binabasa nila Napangiti ako dahil, wala naman ata silang balak ibully ako at pagtripan, natakot siguro yung mga yun sa akin, dapat lang na matakot sila dahil hindi nila ako kilala haha  Nang makatapat na ako sa building namin, iba na ang aura nang school, nilalayuan na ako nang mga nakakasalubong kong estudyante nang maglakad ako, weird, hinayaan ko na lang sila at naglakad na papuntang room namin Pero habang naglalakad ako ay lumilingon lingon ako, baka mamaya, may pumalo na nang likod ko nang hindi ko nalalaman, kaso wala, iniiwasan lang nila ako Bahala sila, basta, wag na wag nila akong gagalawin kundi makakatikim sila, napalingon ako sa pader, bakit bago ang design? Panay picture, tinitigan ko itong mabuti “takte!” Muka ko lahat ang nakalagay doon ah, tuwing natutulog ako sa may ilalim nang puno? Oo natutulog ako doon minsan, pati ba naman tulog pipicturan nila?  “sinong naglagay neto dito!” bulyaw ko sa mga dumadaan na nakikitingin din, kaso wala silang pake, tatawa lang sila at aalis na “mga walang modo!” yan na lang ang naibulong ko sa sarili ko Pumasok na ako sa classroom ko, ang they are staring at me again, with matching muttering, what the hell is this! Bahala kayo sa buhay niyo, gawin niyo kung anong gusto niyo, putek! Nang umupo na ako, bigla silang nagtawanan ng malakas, pero huminto rin sila kase sakto naman ang dating ng teacher namin, anong nakakatawa, oras na mapikon ako, naku! ipapakain ko sila sa mga alaga kong piranha. ****** Pagkatapos ng klase namin, nagmadaling tumayo at umalis ang mga classmates ko, ganyan nga wag kayong magpapakita sa akin, kung ayaw niyo maletchon ng de oras. Pagkatayo ko… “teka? Bat ang lagkit ng pwet ko?” parang may sticky thing na nalagay sa may bandang pwetan ko, pagkahawak ko “aarrrggg!!!” punyemas! Nilagyan nila ng bubble gums yung upuan ko, at kinulayan pa talaga nila kakulay ng upuan namin, mga walang hiya! Tumakbo ako palabas kaso, wala na akong naabutang mga estudyante. Tang ina! Sinong gumawa nanaman neto, oras na malaman ko talaga naku! naku! please lang pigilan niyo ko baka ipatapon ko sila sa Pacific Ocean. “paano ko naman maaalis tong bubble gum na to” tsk! Kaasar talaga, ang hirap kaya tanggalin tong bubble gum, dadalawa lang kaya yung uniform ko tapos ganito pa yung isa, may bubble gum sa may pwetan. Lumabas na ako sa building namin at paglabas ko may bumunggo sa akin mula sa likuran, muntik ko nang malips to lips yung lupa, buti na lang nabalance ko yung sarili ko, shemay yun ah, hindi ba nila tinitignan yung dinadaanan nila, mga kalalakihang tumatakbo na parang sa kanila yung daan at hindi man lang ako nakitang naglalakad at wala man lang akong narinig na nagsorry. Habang naglalakad ako papunta sa gate may sumipa sa legs ko mula sa likuran, “ano ba!” pagkalingon ko tumakbo kaagad yung sumipa sa akin, pasalamat kayo at wala ako sa mood tumakbo. Maya maya pa ay may sumipa nanaman sa akin, at tumakbo uli nung nilingon ko. “ay putek!” may malakas nanamang sumipa sa akin mula sa likuran, naaasar na ako ah! “hoy! mga tae kayo ano bang ginagawa niyo!” sinigawan ko yung lalapit palang sa akin at sa tingin ko sisipain din ako. “Andy!!” sigaw ng isang babae sa likod ko “Andy, ano to?” May kinuha sya sa may likuran ko na nakadikit, binigay sa akin ni Charee yung papel na kinuha niya mula sa likuran ko, at nang nakita ko ang nakalagay, bwiset talaga. KICK ME! BABY!  Yan lang naman ang nakasulat sa papael na nilagay nila sa likod ko. Sa sobrang inis ko pinunit ko yung papel, nakakabanas na ah, kaya pala kanina pa nila ako sinisipa dahil may naglagay ng ganyan sa likod ko. “sumusobra na sila” “Andy, sorry” “bakit ka nagsosorry?” “dahil sa akin, kaya nagaganyan ka” “wala kang kasalanan, ang grupong yun ang may kasalanan” “pero—“ “Charee, mabuti pang wag mo muna akong lapitan” “pero bakit?” “ikaw na rin ang nagsabi noon, pag nangealam ka ay madadamay ka” “may butler ako hindi nila ako masasaktan” Umiling ako para sabihin na wag na niyang ipilit ang gusto niya “ mas magandang layuan mo muna ako” “pero Andy—“ “sige na, kaya ko sarili ko promise” “Andy naman eh, kasalanan ko kaya dapat ako ang magan—“ “Charee ang kulit mo rin eh…” ayoko lang syang madamay, alam kong kahit may butler sya baka madamay pa sya, at magkagulo lang, at least ako, wala namang nagmamalasakit sa akin kahit masaktan ako. “ sige na, alis na..” pagtataboy ko Bakas sa muka niya ang awa sa akin anng lumayo sya, “pangako, tuturuan ko sila nang leksyon!” sigaw ko sa kanya Napangiti naman sya agad sa akin, at tumakbo na sya palayo, kayak o tong mag isa, kaya kong harapin ang hamon nang grupong yun, ayoko nang may madamay pa. Dumiretso ako sa may banyo para basahin nang tubig yung palda ko, para naman hindi mahirap labahan ito kapag nilabahan ko na, ang hirap pa man ding alisin neto Pagkatapos kong labhan ito ay binuksan ko na yung pinto, kaso “OY BUKSAN NIYO TO!!!” Bakit nila sinara itong banyo,tinutulak ko yung banyo at sinisipa ko eto, ilang oras na akong nandito nang may magsalita “Andy ikaw ba yan?” boses ni Charee “Charee tulong!” sigaw ko “teka lang, tatawagin ko yung butler ko” naramdaman kong tumatakbo sya, mga ilang minuto rin nang mabuksan yung banyo, napayakap ako kay Charee bigla “tama na..” Bakit ba ako umiiyak, kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya “hehe joke lang yun, ganda ba nang acting ko?” “Andy hindi mo naman kailangan magpanggap, tutulungan kita” Umiling ako para sabihin na wag na lang “kayako to.” “ hindi Andy, hindi mo kaya” “mali ka Charee, umpisa palang to, nagkataon lang na, naunahan nila ako, hindi ako susuko Charee” “sasama ako sa laban mo Andy” “diba sabi ko wag na” “apat sila Andy, mag isa ka lang” “kahit kalabanin si Kieffer makakaya mo ba?” “Andy naman, wala nay un, at isa pa, hindi na niya ako maalala” “huh?” nalito ako sa sinabi niya “hindi niya na maalala ang babaeng tinulungan niya noon” “bakit naman?” “ah sya nga pala, kumain ka na?” pagpapalit niya nang topic namin Ngumiti na lang ako, alam kong ayaw niya nang mapag usap iyon “hindi pa” “nagluto ako, tara doon” Hindi ko alam kung ano ang istorya ni Charee at Kieffer, hindi na ako muling nagtanong pa tungkol sa lovelife niya, baka nasaktan to, at hindi makamove on. pero sabi niya, hindi daw sya maalala Hay, ang gulo, tama na nga to, kakain na lang ako ****** Matapos naming kumain ni Charee ay nag punta na kami sa kanya kanya naming room, ano pa ba ang ineexpect ko, edi nagbubulungan nanaman sila sa akin nang makapasok ako nang room namin Umupo ako sa desk ko at sinubsob ang ulo ko dito “yan ang napapala nang mga taong walang modo” “oo nga haha” “dapat lang sa kanya yun noh?” “kapal kase nang muka” Tinakpan ko ang tenga ko, ayoko na silang marinig, wala akong naririnig, wala akong marinig, blehh blehh, wala akong naririnig “Miss Tolentino!” sigaw nung professor namin “hahahahaha” nagtawanan naman yung mga classmate ko nang mabulyawan ako “alam mo bang bawal matulog sa klase ko?” “bawal matulog, pero kung isa kaya ako sa myembro nang SYKOS pagbabawalan mo pa kaya ako, tsk,” bulong lang yan, inayos ko na lang ang upo ko at nakinig sa professor ko Nagsusulat sya sa blackboard, kaya nakatalikod sya sa amin, yung mga classmates ko naman, nilalagyan nang chalk yung desk ko, habang yung iba ay binabato yung professor namin “ANO BA!!” sigaw nung professor “pfffttt..” lahat nang classmate ko ay nagpipigil nang tawa “SINONG NAGBATO SA AKIN?!” Nagtinginan naman yung mga classmates ko sa akin, halla, bakit ako? Bakit sa akin kayo nakatingin?, lumapit naman yung professor ko sa akin, at nakapamewang pa ito. “Miss Tolentino, ano to?” tukoy niya sa mga chalk n nasa desk ko “chalk po” “anong ginagawa nang chalk sa desk mo?” “nakalapag malamang” bulong ko “ikaw ba ang nagbato sa akin?” “sir hindi po ako” “bakit may mga chalk ka sa desk?” “sir hindi po talaga ako” “at sino naman?”  Wala akong maisagot alam ko namang kahit ipagpilitan kong hindi ako ang nagbato sa kanya ay ididiin pa rin niya ako, ano bang klaseng buhay to “get out of my class now!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD