Chapter six

1721 Words
Chapter six ANDY’S POV’S Naglalakad ako ngayon naghahanap nanaman nang trabaho, katatapos lang kase ng klase ko eh, wala pa yung bike ko ipapaayos ko pa lang kaso, wala pa akong pampaayos. Habang naglalakad ako binibilang ko na rin kung ilan pa yung natitirang pera ko, nagcocompute na rin ako sa isip ko, may calculator sa isip ko di niyo alam? hindi pa ako nakakabayad ng kuryente at tubig ko, tapos pambayad ko pa sa pampaayos ko ng bike ko, magkano na lahat.. “AIsh! kulang pa rin!” **sigh** San naman kaya ako kukuha ng etra kita ngayon? Lalong lalo nat wala pa akong trabaho ngayon, wala akong mahanap na pwede, maraming nagooffer sa akin sa club, wew, never kong pinangarap dun **sigh** Isang malakas na buntong hininga nanaman, para na akong matanda neto, oo tatanda talaga ako ng di oras pag ganito karami ang iniisip ko, kailangan talaga patong patong ang bayarin Idagdag mo pa yung problema ko sa school, ano kaya ang mangyayare sa akin bukas, kailangan kong ihanda ang sarili ko, dapat lagi akong handa ano mang oras. Bakit ganito ang buhay, bakit may ganito pang buhay, sana yung mga pinapanganak nang mahirap hindi na lang binubuhay, aish! ano ba tong pinag iisip ko, wala na ako sa tamang isip Mahirap mabuhay sa mundo ibabaw, lalo nat, marami at hindi mo alam kung ano at sino ang kalaban mo, kailangan maging matapang, wag lalamya lamya, yan ang turo sa akin nang nag alaga sa akin noon, yung kaibigan nang mama ko, kaso, matagal na itong pumanaw ***GRUUU*** Heto nanaman ang kumakalam kong tyan, sakto naman at malapit na akong makarating doon sa pinagkakainan ko nang mami “aray..” napaupo ako nang may bumangga sa akin Tumakbo ito kaagad, nangyare doon? Tumayo naman ako para magpagpag at nang makakain na nang dinner, doon nanaman ako kakain, wala naman akong pera wala nang budget  “manang isang order nga po ng mami”  Agad naman akong ginawan ng mami ni manang hoho, kakagutom, maraming kumakain din dito ngayon may mga couples pa ga eh, pero wala yung taong gusto kong makita hoho!  “manang isang order pa nga po” bitin eh, ang bilis kong naubos yung kinain ko, hindi kase ako nakain ng lunch kanina, alam niyo naman yung nangyare diba? sinulat yun ni author  ***Buuurrrpp*** Waaahh, ang sarap kumain hihi, busog ako, napasandal ako sa upuan, haha joke lang bangko lang to yung mahabang upuan wala tong sandalan kaya hindi ako sumandal mahulog pa ko, at mabagok utak ko kawawa tas mamatay ako, kawawa naman ang magiging destiny ko wahahaha, pati yun iniisip ko. Tumayo na ako para magbayad at para naman makaalis na ako, kaso , “teka, yung wallet ko?” dinukot ko uli yung bulsa ko, lagot! Wala talaga, tinignan ko rin yung bag ko,pero hindi ko makita, nilabas ko na rin yung mga gamit ko sa bag sa taranta ko, wala akong pakealam kahit may makita kayong napkin haha syempre joke langn wala pa akong dala noh! Matagal pa ko magkakaroon, wag niyo nang tanungin kung kelan, basta ang mahalaga mahanap ko ang wallet ko.  “halla asan na?” “nakupo nahulog ata” nalagay ko tuloy yung palad ko sa noo ko sa sobrang alala, pero ang alam ko dala ko yun, nakita niyo ba huh? sino nakakita sa inyo? Huy! Kinakausap ko kayo! Oo ikaw na nagbabasa nakita mo ba wallet ko?  aish! walang sumasagot, malamang nakita niyo ayaw niyo lang sabihin kung asan, damot! “hoy miss yung bayad mo” agad namang tanong ni manang sa akin, mukang nahalata niyang nawawala yung wallet ko “ah.. eh.. manang, pwede po bang balikan ko na lang? nawawala po kase yung wallet ko” naalala ko yung lalakeng nabundol ko kanina, hindi kaya snatcher yun? “ABA! Modus niyo to noh! Kasama ka sa isang gang noh?” kung makabintang naman si manang, muka ba akong kasama sa gang? Kahit ganito ako hindi ako kasama sa mga gang gang na yan ah “hindi po, nahulog lang po talaga yung wallet ko manang” magbabayad naman talaga ako eh, kaso, yung wallet ko nakuha na ata nung lalakeng bumunggo sa akin, aish, buti na lang at yung laman nang wallet nay un ay sakto sa pangkain ko, buti na lang at wala doon lahat nang pera ko “hindi uubra yang palusot mo! Bayaran mo yang kinain mo!” “magbabayad naman po talaga ako kaso po…” hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla akong hinila ni manang “aray…  san niyo ko dadalhin” pagpupumiglas ko sa hila ni manang, magbabayad ako, wag masyadong atat, asar naman oh! “sa prisinto ka na magpaliwanag!” halla, at talaga ipapapupulis niya ko, wala na nga akong pambayad ng tubig at kuryente pang piyansa pa kaya, naku! dagdag babayarin nanaman ba to “hindi ko naman po kayo tatakbuhan, magbabayad  naman po ako eh” hila hila pa rin ako ni manang,  maghilaan kami sa kamay ko kamay ko to, at mas malakas ako kesa sa kanya kaya hindi niya ako mahila. Nabigla ako ng may humila sa kabilang braso ko at pinunta ako sa likod niya, eh? Sino ba to? Nilingon ko ang muka niya para Makita kung sino tong humila sa akin, at laking gulat ko nang “Stanly?” Nilabas niya yung wallet niya at inabot yung pera kay manang “oh” sabay balik uli ng wallet niya sa bulsa niya, naku! nakakahiya naman, sya pa talaga ang nagbayad, utang to Andy, utang! Hindi yan libre, oo babayaran ko yan, hindi naman ako yung tipo ng taong magpapalibre sa di ko masyadong kilala. Hinila niya ako palayo sa kinatatayuan ko, at iniwan si manang, teka sayang yung sukli, 500 ata yug binigay niya eh, saglit lang yung sukli mo, pero derederetso lang sya sa paglalakad at hawak hawak ang pulso ko “hoy! mister sukli mo!” sigaw ni manang kay Stanly “keep the change” woah! sa akin na lang wahahaha XD sayang naman yun, pandadag sa pambayad ng kuryente yun wahaha. Heto pa rin ako at hila hila ni Stanly, sige lang hilain mo lang ako iuwi mo na ko bwahaha joke! Pero huminto kami sa tapat ng tindahan na sarado, walang nagdaraang tao dito sasakyan lang. binitawan niya na rin yung kamay ko, at nakatalikod lang sya sa akin. “ah ano.. babayaran ko na lang yung utang ko bukas” “wag na” “pero—“ “okay lang” "Stanly!" sigaw ko nang paalis na sya "salamat" "masyado kang nag eeskandalo doon, lalo nat taga Milton ka" kahit napaka, straight to the point sya magsalita, magaan parin ang pakiramdam ko sa kanya, para ko syang prince charming kanina Umalis na sya sa harapan ko, napapangiti nanaman ako nang di oras, bakit ganito, ang pula nang muka ko ngayon, bakit ganito? Anong nangyayare sa akin, bakit tumatalon ang puso ko. Napakagat ako nang labi habang nakangiti, grabe ang tuwa ko kanina, teka teka, no Andy, SYKOS member sya, hindi pwede, pero, iba sya sa mga kaibigan niya. Halata naman, parang ang bait niya, na parang hindi, dahil isa syang myembro nang SYKOS, naguguluhan na ako, pinipigilan nang utak ko ang puso ko, nagrarambol sila. Umiling iling ako para, matauhan, hinawakan ko ang magkabilang  pisngi ko “wag ka nang mamula please” Naglakad na ako papuntang apartment, syempre nadatnan ko ito na sobrang dilim, parang walang masayang nangyayare dito sa apartment na to? Parang ang lungkot tumira dito. Bigla na lang tumulo ang luha ko, bakit ba ako umiiyak, hindi ako mahina, kailangan kong maging malakas, hindi ako mahina, hindi! Hindi!, pinunasan ko na lang ulit ang mga luha ko Umupo ako sa mesa at nag isip, ano kaya ang pakiramdam nang may magulang, ganito kaya ang magiging pakiramdam ko kung narito sila? Siguro, hindi ganito ang buhay ko. Lumabas na lang ako sa loob nang apartment, parang hindi ko kaya ang kalungkutan ko ngayon, umupo ako sa may hagdan para magpahangin, pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa labas Naiiyak parin ako, ganito ako tuwing nag iisa ako at walang ginagawa, kaya kailangan lagi dapat akong busy para mapagod ako at makatulog kaagad, kaso, heto eh. Wala akong trabaho ngayon, wala akong pinagkakaabalahan, kaya heto ako ngayon, malungkot, nag iisa, walang kasama, walang makausap, walang pamilya Lumabas ako para maglakad lakad, masyado pang maaga, kailangan kong maghanap nang trabaho, maloloka ako kung ganito ako araw araw, mababaliw ako sa kalungkutan Habang naglalkad naman ako ay marami akong nadadaanang resto bar, ayoko, kahit kalian ayoko, never akong papasok dyan, hindi ko ibebenta ang kaluluwa ko kumita lang nang pera Mas gusto ko pang mamatay sa gutom kesa kumita at ibenta ang katawan ko, kadiri Malamig dito sa labas, maraming nagliliparang mga papel, ang kalat sobra, bakit ganito dito, hindi sila marunong mag linis nang lugar nila, kay duming paligid, grabe May nasabit na papel sa paa ko nang humangin anng malakas, pinulot ko ito para tignan ko ano ba yung nakalagay doon, malay natin baka pagkakakitaan haha  At sakto nga,dininig kaagad nang Diyos ang panalangin ko, ang sya! “wanted maid” “10,000 ang sweldo???” “libre pagkain at libre ang kwarto???” “kaso,isa lang ang kukunin?” halla, saan ba to? Kailangn kong mapuntahan Binabasa ko lahat nang nakalagay, kailangan kong mauna dito, saan ba to? Saang lugar ba to? “Parkwood Village?” saan to? Siguro tirahan nang mga mayayaman to, tirahan nang mga sikat siguro to, jackpot!!! Lahat nang kailangan ko ay narito na, rooms, food at sweldo!!ang saya, nakalagay lang dito yung address, sino kaya ang nagmamay ari anng bahay na to? Bumalik ako sa apartment ko at dinala ko na rin yung papel kanina, ikaw ang target ko, sana wala pa silang nakuha, sana wala pa please!!! “HOY Andy!!!” sigaw nung landlady sa labas Binuksan ko naman agad yung pinto “bakit po?” “bill mo nang tubig” abot niya nung bill “bakit ang laki naman neto?” “nariyan na rin yung bill nung kuryente” “manang, pwedeng pautang muna?” “abay, wala rin akong pera, at isa pa, may bill din ako, alangan naman yang bill mo ang una kong bayaran” “wala pa po kase akong trabaho eh..” “hindi ko na problema yun” “sige nap o, babayaran kop o kapag nakahanap na ako nang trabaho” “aba, at kelan ka pa makakahanap? Sa hirap nang buhay ngayon, mahirap din maghanap nang trabaho” “si manang naman, babayaran ko naman kayo eh” “ay bahala ka dyan, bayaran mo yan, kung ayaw mong palayasin kita dyan, maraming gustong umupa dito, at buti sila may pambayad” Grabe di manang, gipit nga ako ngayon eh, ano bang magagawa ko, hihiram lang naman ako nang pera, ibabalik ko rin naman, wala naman akong balak takbuhan sya. “ay sya nga pala..” dag dag ni manang “ kung may balak kang umalis at lumipat, siguraduhin mong mababayaran mo lahat yan bago ka umalis..” Nak nang tokwa naman, ano ba to, isinara ko na lang yung pinto at humiga na, ayoko nang gumising bukas, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, parang wala na akong pag asa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD