Chapter five

1616 Words
Chapter five ANDY’S POV’S Nakakalula talaga ang mga presyo dito sa canteen na to, wala akong mapiling pagkain, panay mukang masarap, pero muka lang naman, nakakain ba tong mga to? Baka sumakit tiyan ko eh, pero sabi ng utak ko ibebenta ba naman yan Andy kung hindi nakakain yan, hay Andy, isip isip din pag my time! Oha! Sabi ko nga, nakakain lahat to “Andy anong gusto mo?” gusto ko lahat yan wahaha “ah.. wala akong mapili eh” kase gusto ko lahat mehehehe  “gusto mo to” turo niya dun sa halo halong seafoods na nakalagay sa menu, pasensya na di ko alam mga pangalan niyan, may mga Italian dish, Korean foods, Japanese food, etc. napakadaming pagkain pang ibang bansa, hello? Nasa Pinas po tayo bat yan ang binibenta dito kaloka naman  “ah.. sige yan na lang” “sige yan na rin sa akin” Nakakahiya namang ilabas yung kanin ko, pero alangan namang hindi ko kainin yung binaon ko baka mapanis lang ang mahal pa man din ng bigas ngayon, diba? diba? kaya kayo wag kayo magsayang ng pagkain, maraming tao ang hindi nakakakain ng maayos. Nilabas ko na lang yung baunan ko at nagulat din ako nung nilabas din ni Charee yung baon niya. “nagbabaon ka rin?” “hehe ngayon lang, para naman may kasama kang nagbabaon ng kanin, para naman di ka ma OP dito oh diba?” naks! naman Hindi naman kami gaanong naghintay ng matagal, dumating na agad yung order namin, inamoy ko muna pagkain ko baka may lason, haha de joke lang maamoy mo ba yung lasong engot lang!  “saglit lang ah kuha lang ako ng soup natin ” tatayo n asana ako pero pinigilan niya ako “ako na lang kukuha” nakakahiya naman nanglibre na nga ako pa pagsisilbihan Tumayo na sya at sya na ang kumuha nang soup, hindi na ako umangal kase alam na, madaldal tong babaeng to, kaya baka, mauwi lang sa kung ano ano kung ipagpipilitan kong ako yung kukuha  “Waaaaaahhhhhh!!” “nandyan yung Sykos! KAYAAAAAAAAAAH” Tinakpan ko na lang ung tenga ko, kase sobrang ingay na, naririnig ko nanaman ang pangalang SYKOS, napalingon ako sa kung saan sila nakatingin, naaaninag ko na ang apat na lalakeng papalapit dito sa canteen Tinignan at nilingon ko si Charee, nakatingin din sya doon sa apat, at alam ko kung sino ang tinitignan niya, sabi niya hindi na daw gusto, halata naman sa kanya na may gusto parin sya sa isa sa mga myembro nang SYKOS Hindi na ako nagatubiling tignan pa ang mga lalakeng iyon, hinintay ko na lang si Charee dito sa table, medyo malapit naman na sya sa pila, kaya hindi na ako maghihintay nang matagal dito. Hanggang sa…  “naku po! sorry sorry!” narinig ko ang boses ni Charee kaya napalingon ako bigla “sorry di ko nakita” dagdag niya “lalabahan ko na lang to, sorry talaga” hindi ko pa rin naririnig yung boses ng lalake natapunan niya, lagot na, lagot na si Charee “are you blind or let say, tanga ka lang talaga!?” sabi nung lalake kay Charee, I think sya yung leader nang SYKOS, naririnig rinig ko lang dito sa mga katabi ko, patay na “tumabi ka” itinulak niya si Charee, kaya napadapa ito” Walang modo to ah, kahit babae, pinapatulan? Nakakainit na nang dugo, kailangan na silang turuan nang leksyon, tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Charee, para alalayan syang tumayo Ni hindi man lang pumila , ang daming pumipilang estudyante dito sa canteen tapos sisingit lang sila, nang makabili sila nang gusto nila ay nag umpisa na silang lumabas ng canteen. Hindi na tama ang ginagawa nila, nakakabanas na sila, bakit kaya may mga taong katulad nila, ang tanong tao nga ba sila? Hindi ko papayagan ang ginawa nila kay Charee “teka lang” napatigil naman agad silang tatlo “humingi na nang tawad ang kaibigan ko, hindi pa ba sapat yun?” Tinignan lang ako nung isang lalake , mula ulo hanggang baba, “so? Kaibigan mo pala yung tangang yun?” “wow ah, ang lakas mo naman makapagsabi nang tanga, eh ikaw kaya ano ka?” tanong ko sa kanya “hindi niyo dapat sinasaktan at trinatrato nang iba ang mga estudyante dito, mayayaman nga kayo, pero wala naman kayong modo, hindi niyo  naman pera ang ginagamit niyo dito ah, nagtatago lang kayo sa palda nang mga magulang niyo!” bulyaw ko Hindi ko alam kung saan ako kumukuha nang lakas nang loob para pagsalitaan sila nang ganito, wala nang atrasan to, narito na ako sa sitwasyon ko kaya bahala na si batman  Lumapit yung sya sa akin at iniyuko ang muka sa akin, bigla niyang hinawakan yung baba koat itinaas ito, pero nang tumagal ay humigpit ang hawak neto dito “aray ano ba!” “matapang ka ah…” hindi parin niya inaalis ang pagkakahawak niya “mali ka nang kinalaban” binitiwan niya ang baba ko, nang walang respeto Umalis na sila sa harapan ko, bakit ganito, bigla akong kinabahan nang umalis sila, katapusan ko na, bakit ganun ang mga lumabas sa bibig ko, ano bang ginawa ko. Naramdaman ko ang paghawak nang isang tao sa balikat ko “bakit?—“ napalingon ako rito,sya yung lalake doon sa resto at sa mamihan, tinapik niya lang yung likod ko, habang nakangiti, at umalis na agad, anong ibig sabihin niya doon? “Andy!!” sigaw ni Charee mula sa loob “ano ba tong pinasokko?” bulong ko sa sarili ko “Andy, sana hindi mo na sinagot nang ganun si Kai” Oo alam ko, ako na ang next target nang SYKOS, pero bakit, hindi naman ako ganito kaduwag ah, pero sa mga nakita ko noon na ginawa nila sa dalawang estudyante dito, possible kayang ganun din ang gawin nila sa akin? “maam Charee okay lang po kayo?” late nang dumating tong butler niya Pinaiwan niya akse doon sa harap nang guard kaya heto, hindi na sya napagtanggol, hindi ko naman ginawa to para kay Charee lang, gusto ko lang ipamuka sa kanila na marami na silang nasasaktang tao “Andy doon na lang tayo” aya ni Charee, tumango na lang ako at naglakad pero.. “hoy!” sigaw nung babae sa amin Napalingon naman kami ni Charee doon, mga grupo nang kababaihan na nakacross arm pa ang papalapit ngayon sa amin, tinignan ko lang sila nang masama “ang lakas naman nang loob mo” sambit nung isa “alam mo ba kung san ang lugar mo dito?” tanong pa nung isa “sa isang taong katulad mo, tyak, bukas na bukas din, wala ka na sa eskwelahang ito” “tama, ka hahaha” “ang lakas kase nang loob eh, hindi man lang inisip kong sinong babanggain” “tama” “kung kakalabanin mo ang SYKOS, siguraduhin mo munang, may ganito ka” pinakita niya sa akin yung pera niya na panay dolar Eh ano naman ngayon kung wala akong ganyan, narito parin ang kabang dulot ng ginawa ko kanina, ayokong umalis dito sa eskwelahang ito, dahil scholar ako dito. Dito lang ako nakatanggap nang scholarship, sa dinami dami nang mag eskwelahang inenrolan ko ay ito lang ang eskwelahang nasa high class, kaya sabi nila ang swerte ko daw na nakapasok ako dito “tara na, walang kwenta ang mga yan” sabi nung isa “mga dumi lang sila nang Milton” Pinipigilan ko lang magsalita, wala nga akong maipagmamalaki, pero may dignidad naman ako at respeto sa sarili, kaya kong ipaglaban kung ano ang tama, kahit na isang hamak lang akong dumi sa tingin nila “hayaan mo na sila Andy” sabi ni Charee “hindi ko naman dinidibdib yung sinabi nila” “yan ang Andy na nakilala ko” ngiting sabi ni Charee “doon na lang tayo sa ilalim nang puno” “sige” Nagpunta kami roon, yung butler naman niya ay bumalik nanaman sa may gate,nakaupo kami ngayon ni Charee habang kumakain nang kwek kwek, dito na ang tambayan namin ngayon “ang tapang mo talaga Andy” biglang lumabas ang mga katagang iyan mula kay Charee “kung hindi ako magiging matapang, hindi ako mabubuhay” pero sa totoo lang parang kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayare sa akin dito sa school na to “ang sarap mong tularan” “hindi masamang maging matapang, basta alam mo kung ano ang tama” “tama ka dyan” Biglang lumungkot ang muka ko dahil naaalala ko, naalala ko kung paano ako nagging ganito, dahil sa mga experience ko sa buhay, mag isa ko na lang, wala akong magulang, kaya kailangan kong maging matapang “kilala ko na ang grupong yun, pero kilala ko lang sila sa pangalan” “gusto mo bang magkwento ako tungkol sa kanila?” Tanong ni Charee Tumango na lang ako, gusto ko silang makilala isa isa, gusto kong makilala ang mga taong makakalaban ko at kakalabanin ko. “si Shon Kaizer Milton Chavez ,napaka maimpluwensya nang angkan nila, lahat nang gusto niya makukuha niya, sya ang hari nang eskwelahang ito, sya ang leader nang SYKOS” “si Oliver Ayers Buendia naman, yung lalakeng naka pula kanina, matinik sa babae yun, katulad ni Kieffer Enzo Legaspi” namula sya nang mabanggit niya ang pangalan niya “Kieffer pala ah” “alam mo bang hindi sila nagpapatawag sa unang pangalan nila? “huh bakit?” “dahil mga taong malalapit lang sa kanila ang pwedeng tumawag nang una nilang pangalan” “ang arte”  " oh sya, anong meron sa inyo ni Kieffer nay un?” haha ang pasaway ko noh? Sabi nga ni Charee ayaw nilang tinatawag sila sa una nilang pangalan dahil mga malalapit lang na tao ang pwede, eh masarap gawin ang bawal eh  “oy , wala na yun..” wala na pero hindi halata sa muka “bakit mo nagustuhan si Kieffer?” tanong ko “mahabang kwento..” “aabot ba nang bukas?” pagbibiro ko “kapag may oras, pangako ikwekwento ko sayo lahat, wag muna ngayon, malapit na ang klase natin” “oo nga pala” “ay teka, meron pang isa..” napalingon naman uli ako sa kanya “si Stanly Lloyd Javier” Parang nagfocus ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan niya, bakit nagging interesado ako sa kanya? Hindi korin alam, pero baka ang puso ko ang nakakaalam kung bakit, Stanly? Ngayon kilala ko na sya “tahimik sya, at sabi, pili lang daw ang kinakausap, weird sya pero ang gwapo niya nuh?” “ha-ha?.. ah eh..” “alam mo bang, sya ang second crush ko sa SYKOS, parang ang sweet niya kase at ang bait tignan” tama ka Napapangiti ako sa tuwing may pumupuri sa kanya, ano ba tong nararamdaman ko, Andy myembro din sya nang SYKOS, isa sya sa kanila, kaya isa sya sa mga kaaway mo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD