Chapter thirty “anong balak mo this weekend?” “edi magtrabaho” “wala ka na bang alam gawin Andy, sama ka na lang sa akin sa bahay, para naman makarelax ka kahit papano” Sayang naman kase kung hindi ako magtatrabaho, sayang ang sweldo, nakakasawa na nga itong daily routine ko pupunta sa eskwela then magtatrabaho “thanks na lang Charee” Nakatunganga kami ni Charee sa isang lounge, nagpapalipas oras lang, wala naman kase kaming klase pareho kaya heto, magkasama nanaman kaming dalawa. Habang nagmumukmuk kami dito napansin naman ni Charee yung mga estudyante na nagkukumpulan sa bandang bulletin board “anong meron doon?” tanong ni Charee “malay” matipid kong sagot Tumayo sya at pumunta sa gilid ko “tara, tignan natin” sabay hila sa akin, nagpahila naman ako, gusto ko rin makita kung ano