WHEN we entered the kitchen, I looked for ice cream. Nag-halungkat ako sa isa sa mga freezer dito sa kusina hanggang sa nakita ko na ang section ng ice cream in a tub. Pinili ko ‘yong chocolate flavor dahil karamihan naman sa mga bata, 'yon ang gusto. Humihikbi pa rin si Regis pero hindi na malala kagaya kanina. Kumuha muna ako ng maliit na kutsara saka lumakad palapit sa kitchen table. Naabutan kong naka-upo na ang anak n’ya sa ibabaw ng mesa habang pinupunasan ang mukha gamit ang ilalim banda ng suot n’yang maluwag na t-shirt. “Bigay mo ‘to sa kan’ya.” Tumigil ako sa tabi ni Legis. Inabot ko ‘yong ice cream in a tub at isang kutsara. Hininto n’ya ang pagpupunas at kinuha sa mga kamay ko ‘yong mga hawak ko. Pinokus ko na ang aking buong atens’yon sa anak n’ya. Sumisinghot pa. Parang t