MY hands and feet were getting sweaty. Hindi ako makapagsalita para sawayin si Legis dahil para sa ‘kin, mas’yado na’ng mainit ang kan’yang ulo para pigilan ko. But somehow, I think effective ang mga banta n’ya dahil natahimik ang parents ni Ursula. Maging s’ya. I can hear her heavy breathing. Parang gusto n’yang umalis na lang o magpalamon sa sahig dahil sa kahihiyang inabot n’ya kay Legis. Ang totoo n’yan, ako ‘tong nahihiya para sa kanila. Aware rin pala sila sa ugali ni Legis pero bakit pa kinakailangang ipahiya rin ako sa hapagkainan na may ibang taingang makakarinig. Lalong lumala ang awkward tension dahil wala na ni isang nag-salita pa. Tanging tunog lang ng kubyertos ang ume-e-cho sa buong dining room. Galing ‘yon kina Boss Darius at Madame Sakura. Silang tatlo, nanigas na sa