NAWALAN ng emosyon ang mukha ko habang pinapakinggan sa kabilang linya ang nakakahabag na hagulgol ni Regis. Tinatawag n’ya ang daddy n’ya. Sinusubukan naman s’yang patahanin ni Ursula. “D-Daddy! Daddyyyy!” Huminga ako ng malalim bago nilapag pabalik ang cellphone sa ibabaw ng kutson. Hindi ko pinatay ang tawag. Hindi na rin nag-salita pa si Ursula dahil abala na s’ya para mapakalma si Regis. I don’t know how to react anymore. Gusto ko na lang matulog para walang iisipin pero alam ko, paggising ko, ganu’n pa rin. Magtitiis na lang din ako hangga’t keri ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko naman kayang layasan si Legis. Umupo muna ako sa gilid ng kama habang naka-harap sa naka-saradong sliding door ng balcony. Tumunganga na lang ako roon. Mukhang pinatay na ni Ursula ang tawag. Wala