NAGISING na lang ako na’ng biglang um-echo ang ringtone ng cellphone. Hindi ko pa sana gustong imulat ang namimigat kong mga mata dahil late na naman akong naka-tulog kagabi. The phone keeps ringing again and again. I have no choice but to open my eyes. Napagtanto kong naka-tihaya pala ako. Nilingon ko agad ang puwesto kung saan humiga si Legis kagabi pero hindi ko na s’ya nasilayan sa left side ko, maging si Regis. Tumigil ang pag-r-ring. Nagdadalawang isip pa sana akong bumangon pero nag-ring ulit kaya gumapang na lang ako sa left side ng kama kung saan ang side table. Kinuha ko roon ang cellphone ni Legis. Tinitigan ko ang screen para malaman ko kung sino ‘yong tawag ng tawag. “Sakura.” ‘Yan ang nababasa ko sa screen. Si Madame Sakura pala. I tapped the green button. Dinikit ko pa