I HEAVED out a quick sigh. Tila parang galing sa kailaliman ng aking baga ang buntong hininga kong iyon. Kakapatay ko lang ng tawag. Tapos na kami mag-usap ni Madame Sakura. She said she would call me back. Dahan-dahan akong humakbang paatras hanggang sa nadama ko ang matigas at malamig na pader sa likod ko. Sumandal ako roon habang naka-tulala lang sahig. “Mira, mag-b-bake kami ng cupcakes, sasama ka sa ‘kin?” Hindi ko namalayan ang presens’ya ni Gerlyn. Mukhang kakababa n’ya lang sa fourth floor. “Sandali lang.” Umalis ako sa pagkakasandal. Binuksan ko ang naka-saradong pinto at pasikretong sinilip si Legis. Tulog pa rin s’ya. “Tara na.” Nilisan na namin ang palapag na iyon. Hinihintay ko pa ang tawag ni Madame Sakura. Pagdating namin sa kusina, wala ulit akong ginawa ro’n kundi