PARA kaming buhawi na nilisan ang faculty ng BSBA department. Nauna akong nag-lakad habang naka-buntot lang sa ‘kin si Legis dahil hindi puwedeng makasabay kami. Narinig kong may tinawagan s’yang soldiers. Pag-dating namin sa gate, may dalawang itim na kotche na palang naka-abang sa parking lot. May sumalubong sa ‘kin na isang soldier at inalalayan akong pumasok sa back seat. Sa separate na kotche pumasok si Legis. Akala ko ganito na ang set up namin pero na’ng maka-layo kami sa university, nakatanggap ng tawag ang soldier na driver ngayon. Huminto ang kotche. Naka-focus lang ako sa labas ng wind shield pero ilang sandali lang, bumukas sara ang pintuan sa kaliwa ko. Napa-baling kaagad ang aking atens’yon doon. “Proceed.” Si Legis ang pumasok rito sa loob at umupo sa tabi ko. Pinagpatul