NAGULANTANG ako sa sumbong sa ‘kin ni Fairy. “A-Ano?! Na saan si Regis ngayon?!” mahinang singhal ko. Humakbang pa ako palayo sa classroom habang abalang nagtuturo si Legis. Lumapit ako sa railings, sa kabilang side nitong hallway. “Saan pa ba, sissy? Nandito ulit kami sa guidance office! Lumabas lang kami ulit saglit ni bebe Regis para matawagan kita! Narinig mo ba ang nagsisigaw sa loob?” Pinaigting ko muna ang pandinig ko. “Nasa loob ng office ang parents ng batang si Jimmy! Nanggagalaiti sila, sissy! Nasa children’s clinic ang anak nila ngayon!” May narinig nga akong mga ugong ng mga boses pero hindi malinaw kaya hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi. “Sige, pupunta ako riyan. On duty pa si Legis ngayon. Ako na lang ang magaasikaso niyan,” seryosong usal ko. “Papatayin ko na, s