“Her moans are exclusive to me only. Hindi ko puwedeng iparinig sa inyo—“ Hindi ko na hinayaang maipagpatuloy ang mga sinasabi ni Legis dahil mabilis akong humakbang paatras. Inangat ang kaliwang kamay ko at pasampal na dinakma ang makati n’yang bibig. Hinarap ko naman sina Fairy at Gerlyn. They were smiling at us. Lalo na si Fairy. Parang namimilipit sa kilig. “Sige na, mauuna na kami,” nagmamadaling usal ko. Binaba ko na ang braso ko dahil hinawakan ko naman ngayon ang mahabang kanang hintuturo ni Legis. Hinila ko s’ya hanggang sa nilagpasan namin ‘yong dalawa. “Ikaw talaga, napaka-ano mo.” Binababa na namin ngayon ang hagdan. “Mga kaibigan mo naman sila,” tugon n’ya habang natatawa ng mahina. “Babalik tayo sa Demorgon’s village. Sasama ka sa akin.” “Sige po,” mabilis kong tugon