NAGDADALAWANG isip ako kung papasok na ba ako sa loob ng kuwarto o manatili na lang dito sa labas. Why did he look so dazed and why he was sweating so badly? Halos umabot ng ilang minutong tulala lang s’ya. Parang walang planong ikurap ang mga mata. Hinayaan ko muna s’ya ro’n sa loob. Tumalikod ako sa pintuan at hinintay na lang s’yang lumabas. Napapaisip na rin talaga ako kung ano ba ang nangyari. Akala ko lalabas naman kaagad si Legis pero tumagal pa ng limang minuto, wala pa rin s’yang kibo roon kaya napagdesisyon na lang akong pasukin s’ya. “Legis, are you okay?” nagaalalang tanong ko na’ng tumigil ako sa kan’yang harapan. Parang hindi n’ya agad napansin ang presens’ya ko. Na’ng hiwakan ko ang upper left arm n’ya, doon pa lang s’ya kumurap ng dalawang beses. Sinalubong ko ang k