MIRABELLA SEVERAL HOURS EARLIER Kaninang madaling araw pa ako gising pero s’yempre nagising ako dahil kay Miro. Alas deis pa ang klase ko kaya ako muna ang nag-puyat para mabantayan s’ya. Thankful ako kay Gerlyn dahil marunong s’ya mag-alaga ng bata. Ilang araw nang puyat ‘yon dahil ‘tong anak ko, parang paniki. Tulog sa umaga pero gising sa gabi at gigisingin ka pa ng alanganing oras. Well ganu’n talaga. When I had him, naninibago pa ang katawan ko dahil sa wantusawang puyatan talaga pero ngayon, nakakapag-adjust na ang katawan ko. “Anong oras ba rito darating ang asukal de papa mo? Exact time." Habang nagpapadede ako kay Miro, pumasok naman si tito ninang n’ya. Huminto s’ya ro’n sa bungad ng pinto habang naka-upo lang ako rito sa ibabaw ng kutson. Alas kwatro pa lang yata ng um