MIRABELLA “Fairy? Nakita mo ba ang mga pangyayari?” seryosong tanong ko. Nasa loob kami ngayon ng living room. Naka-higa na sa mahabang sofa si Legis na wala pa ring malay hanggang ngayon. Hindi namin s’ya kayang buhatin kanina na parang mararatrat na nga ang tahi ko sa puson. Ang bigat-bigat ng katawan n’ya. Ang ginawa na lang namin, kinaladkad ang katawan ni Legis at si Fairy na ang nag-pahiga sa kan’ya sa sofa. “O-Okay lang ba talaga si Boss Legis?” nagaalalang tanong sa ‘kin ni Fairy. Naka-tayo kami sa harapan ng halimaw. “Shall we call a doctor?” “I think he’s fine. He is breathing. Baka bago pa makarating ang doctor dito, gising na si Legis o ‘di kaya kapag dinala natin s’ya sa hospital, magigising din s’ya sa sasakyan,” paliwang ko naman. Pinunasan ko saglit ang namumuong p