MIRABELLA KALMADO ko s’yang tinitigan. At first glance, I didn’t recognize her. Paano ko s’ya makilala kung mas pumayat pa s’ya kaysa kay Legis? Hindi ko s'ya nilalait. Mas haggard din s'ya kaysa sa 'kin. She lost weight too. Hindi ko alam kung ilang pounds ang nawala sa kan’ya dahil hindi naman ganito ang katawan n’ya dati noong last naming pagkikita. Hindi ko s’ya bino-body shame. Med’yo nagulat lang ako. Dagdagan pa kung paano s’ya maka-titig sa ‘kin. 10 months ago, ang aliwalas pa ng facial expression n’ya pero ngayon, parang kaaway na ulit ang tingin n’ya sa ‘kin. Well, kailan ba kami naging magkaibigan. Kung hindi ako nag-paraya noon, hindi gaganda ang pakikitungo n’ya sa ‘kin. I hope we won't argue. “Hindi n’yo man lang ako kinamusta muna?” pabiro kong saad para naman ma-lighte