ANG UMAGANG iyon, kakaiba ang dating para kay Raven. Muli, naramdaman niya iyong literal na bagong umaga. Bagong simula. Tama, para bang iyon na ang bagong simula sa buhay niya. Dahil simula ngayon, kailangan na niyang tanggapin na habang nasa Ellison University si Lhorde, hindi na ito mawawala sa kaniyang sistema. Araw-araw na niya itong makakasama at makikita. Sa kabila niyon, nakakaramdam siya ng excitement na muli itong makita. “Kuhang-kuha mo na talaga ang loob ni Lhorde,” pasaring na naman ni Magi kay Raven nang umagang iyon sa kanilang classroom. Ayaw sanang patulan ni Raven si Magi o kahit ang pansinin ito. Ngunit si Magi mismo ang gumagawa ng dahilan para gawin niya iyon nang humarang pa ito sa kaniyang daraanan. “Tell me your secret, Raven,” sarkastiko pa nitong wika sa kani