“W-WHAT I mean is,” mabilis na bawi ni Lhorde na napalunok pa. “Pretend as my girlfriend, Raven.” Napakurap-kurap si Raven sa paglilinaw na iyon ni Lhorde. Muntik na siyang magkaroon ng heart attack nang dahil sa una nitong sinabi. Pretend as my girlfriend… “Bakit naman kailangan mo ng magpapanggap na girlfriend mo?” aniya nang makabawi mula sa pagkabigla. “Dahil hindi ako titigilan ni Marylou. Tiyak na pasasakitin lang niya ang ulo ko.” “P-pero, bakit ako? Paano kung ayaw ko?” “Bukod kay Renzo, isa ka sa pinagkakatiwalaan ko, Raven. Hindi ko naman puwedeng alukin si Renzo na mag-pretend as my lover. I can’t even imagine, Raven.” Isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Lhorde kaya siya ang napili nito na magpanggap na fake girlfriend nito? Parang mas sasakit ang ulo niya dahil sa plano nit