ARAW ng Lunes, at iyon din ang simula ng pagpapanggap nila ni Lhorde bilang isang magkarelasyon. Nakagat pa ni Raven ang ibabang-labi niya habang naglalakad palapit sa service nilang van papasok sa kani-kanilang department. Alam niya na naroon na si Lhorde dahil palagi itong nauuna sa kaniya. Pero laking pagtataka niya nang wala siyang Lhorde na nakita sa loob ng van nang pagbuksan siya ng pinto ng driver niyon. Nang makasakay siya ay pinasibad na rin iyon ng driver. Hindi niya mapigilan ang sarili na lumingon sa kanilang dorm. Walang Lhorde na humahabol. Gusto sana niyang mag-usisa sa driver kung bakit umalis na sila ng hindi man lamang hinihintay si Lhorde, pero pinigilan ni Raven ang sarili. Nang makarating naman sa loob ng classroom ay nakatitig pa siya sa kaniyang cell phone habang