NAPAPANTASTIKUHAN pa rin si Raven habang nakatayo sa may tabi ng fire exit. Hindi makapaniwala sa naging reaksiyon ni Lhorde sa pagkaka-lock nila sa rooftop. May kadiliman na rin at ang tanging tanglaw sa may rooftop ay ang ilaw sa may fire exit. Tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang kapaligiran. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim bago ipinasyang puntahan si Lhorde na nasa may gilid ng rooftop. Ang dalawa nitong braso ay nakapatong sa pinakaharang ng rooftop. “Lhorde, na-ge-gets mo ba o hindi? Na-lock tayo rito sa rooftop. Ikaw ang may access sa lahat kaya ikaw lang din ang makakagawa ng paraan para ipaalam na narito tayo sa rooftop ngayon. At kailangan natin ng tulong.” “Nagpa-panic ka masyado, Raven,” kaswal pa rin nitong wika. “Paano bang hindi? Na-lock lang naman po tayo rit