NAKATITIG lang si Raven sa nag-aagaw dilim ng kalangitan. Matapos kumain ng hapunan ay doon siya dumiretso sa rooftop ng dorm for girls nang hapong iyon. Gusto lang niyang mag-relax ng kaunti. Ang magandang tanawin sa paligid ay nakatutulong para makabawas sa kung ano mang bigat sa dibdib niya. Nasa isang magandang lugar na siya, pero heto siya ngayon, nagkakaroon pa rin ng dahilan para bumigat ang kalooban. Napakislot si Raven nang marinig niya ang pagtunog ng ring tone ng kaniyang cell phone. Dala-dala niya iyon. Dahil kausap din niya sa text si Lhorde kanina. Nagtatanong kung anong oras siya kumakain ng hapunan. “What are you doing?” anang boses ni Lhorde buhat sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. Lumanghap muna siya nang malamig na hangin para paluwagin ang kaniyang