“TOTOO ba ang balita na mag-stay na talaga sa dorm si Lhorde?” “That’s what I heard.” “There’s a proof from yesterday. Marami ring nakakita sa kaniya. Kasama ang—speaking of a witch.” Hindi na kailangan pang tingnan ni Raven si Magi dahil ramdam niya ang pagsunod ng tingin nito sa kaniya nang hayunin niya ang kaniyang upuan. “How lucky she can get, right? Halos siya lang ang nakikita ni Lhorde rito sa Ellison University. Do you think, in a relationship na sila? Pero itinatago lang?” “Oh, can you just shut your mouth?” naiiritang wika ni Magi sa kausap nito. Tiningnan pa nito ng masama si Raven. “Hindi sila bagay ni Lhorde.” “Ano ba ang malay natin? Sila ang madalas na magkasama. And guess what? Sa VIP room ni Lhorde, sa Ellison Hall, sila kumakain ng lunch ni Raven. Sino ba ang hindi