“GOOD MORNING po,” nakangiti pang bati ni Raven sa driver ng van na siyang service papasok sa university. “Good morning,” ganting bati rin sa kaniya ng driver na pinagbuksan pa siya ng nakasarang pinto ng van. Kasabay ng pagkabura ng ngiti sa labi niya ay ang pag-atras ng mga paa niya nang makita kung sino ang nag-iisang sakay ng van na balak niyang sakyan. Napakurap pa siya para lang masiguro na hindi iyon mawawala sa kaniyang paningin. Pero hindi nga nawala ang guwapong imahe ni Lhorde. Prente pa rin iyong nakaupo sa unang hanay ng upuan sa loob ng van. Hindi ito isang aparisyon lamang. “Sa kabilang van ka na po sumakay,” anang driver sa isang babae na umakmang sasakay ng van. Natigilan din iyon nang makita sa loob si Lhorde. “H-hindi ba puwedeng dito na lang?” giit pa ng babae. Um