KUMAKAIN na sila ni Lhorde pero ang mga luha ni Raven sa kaniyang mga mata ay ayaw pa ring paaampat. Ibinaba niya ang hawak na kubyertos at pinahid ng kaniyang table napkin ang sulok ng kaniyang mga mata. “Raven,” ani Lhorde na bumuntong-hininga pa. “Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan ang mga luha ko. Tears of joy,” ani Raven kay Lhorde. Pagkapahid sa mga luha ay nginitian pa niya ang nobyo. “Sobrang hindi ko lang ini-expect na may ganitong naghihintay sa akin sa pag-uwi ko. Masyado mo namang ginawang memorable ang eighteenth birthday ko. Thank you so much.” Hinawakan ni Lhorde ang kaniyang kamay. “Anything for you, Raven. Kumain ka na. Hmmm?” Tumango siya. Matapos nilang kumain ay hindi pa tapos si Lhorde sa pakana nito nang araw na iyon. Dahil nagpatugtog pa ito ng malamyos na aw

