IKA-EIGHTEENTH birthday ni Raven nang araw na iyon. Pero hindi niya inuulit kay Lhorde. Wala rin naman itong nababanggit na naaalala nito ang birthday niya. Kahit nga nang magsabay sila sa pagpasok nang umagang iyon ay ni hindi siya nito binati. Mukhang limot nito kung ano ang mayroon para sa araw na iyon. Umaasa siya, oo. Pero hindi naman niya magagawang magalit o magtampo kay Lhorde dahil lang sa hindi siya nito binati. Nagpatay malisya na lang din siya kung ano ang okasyon para sa araw na iyon. Ginawa na lamang niyang ordinaryong araw katulad sa mga nakaraang kaarawan niya. “Mamayang hapon, baka hindi kita masundo,” ani Lhorde habang kumakain sila ng tanghalian. “Bakit?” hindi niya naiwasang itanong. “Uuwi ako sa bahay namin.” “Okay,” sang-ayon na lamang niya. Nagbaba siya ng ting