CHAPTER 4

1992 Words
“I DIDN’T KNOW na may connection kayo ng anak nina Dr. Ramirez.” “We don’t. Basta na lang siya sumulpot sa labas ng hotel room ko kanina, demanding for an interview and taking my pictures without my consent.” Nilingon ni Rafael ang direksyon ng babaeng pinag-uusapan nila na kausap pa ang crew ng cafeteria. Itinuro pa nito ang direksyon niya bago ito naglakad na palabas ng hotel pagkatapos siyang nakangiting kawayan hanggang sa tuluyang mawala ito sa paningin niya. “She looked like she just sold our souls to the devil.” Tumawa lang ang tiyuhin niya. “Ngayon lang kita nakitang nag-react ng ganyan sa isang babaeng lumalapit sa iyo, Rafael.” “Good Lord. Huwag sanang magka-totoo ang sinabi mong ‘yan, Tito. Isang Mae Ramirez pa lang, sumasakit na ang ulo ko. Thinking there could be more of her roaming this world…baka magka-tumor na ako sa utak.” He took another sip on his coffee. “Damn those reporters.” “Reporters? Baka ang ibig mong sabihin e ‘admirers’? Iba na talaga ang sikat.” “It’s not funny, Tito. Alam nyo naman kung gaano kong pinahahalagahan ang privacy ko.” “I know.” Sinulyapan din ng tiyuhin niya ang direksyon ng kaaalis lang na babae. “Naninibago lang siguro ako.” “Naninibago saan?” “Usually, ini-ignore mo lang ang mga babaeng lumalapit sa iyo kapag hindi maganda ang mood mo. Pero kay Mae, nakipagtagisan ka pa talaga.” “Hindi mo ba napansin kung gaano siya ka-annoying, Tito? Kahit bato papatulan ang babaeng iyon. Pinagbantaan ko na siyang ipapakulong dahil naiistorbo na niya ako, wala pa rin siyang pakialam.” “That’s one tough cookie.” “Yeah, and very annoying too.” Tumawa lang uli ang tiyuhin. “Parehong-pareho kayo ng reaksyon ng mag-asawang Ernesto at Clotilde sa anak nilang iyon. Suko na sa kakulitan at katigasan ng ulo ni Mae, pero hindi pa rin ma-resist ang ka-cute-an.” “I will admit she’s cute. But she’s still very annoying.” Napapakunot-noo na lang si Rafael nang maalala ang mga ginawa ng babaeng iyon sa unang pagkikita pa lang nila. “She kicked my door to force me out, took a picture of my half-naked body, and even had the nerve to asked me to treat her to a coffee and pastries.” “At pinagbigyan mo naman.” “Of course not.” “Well, you went out when she kicked your door, didn’t you?” “No one kicked Rafael dela Merced’s hotel room door.” “Yeah, but she did kick your door.” “Damn her.” “And she did manage to force you out of your room, took your picture, and made you treat her for a coffee and pastries.” Napadami ang inom ni Rafael sa in-order na kape. “Kasalanan lahat ‘to ng lintik viral video na ‘yon.” Ang viral video na kumalat sa mga social media kung saan pinigilan lang naman niyang makatakas ang may-ari ng sasakyan na nakasagasa sa isang pedestrian, pero naging big deal sa mga tambay sa social media. “Come on, Rafael. You saved a life then. Kung hindi dahil sa iyo, baka may nabiktima na naman ang kriminal na iyon ngayon.” “I know. Pero ang privacy ko, Tito…” Napabuntunghininga na lang siya. “Puwede namang pasalamatan na lang nila ako sa ginawa ko. O kaya ipagpatayo ng monumento. They don’t need to dig up everything about me. Or to follow me around, stalking me. Nakakaistorbo na talaga sila.” “Well, kung pinagbibigyan mo ang mga request nila, gaya ng request ni Mae, baka sakaling tantanan ka na nila.” Iiling-iling na muling sumimsim ng mainit na kape si Rafael. “Uutusan ko na lang ang mga tech team ng company ko na i-hack ang lahat ng computer sa bansa na nag-a-upload ng viral videos na iyon at burahin ang mga files tungkol sa akin.” “Alam kong kayang-kaya iyon gawin ng mga tauhan mo. You have the best people working for you. Goodluck na nga lang kay Mae.” His uncle held up his own cup of coffee to him. “My laywer will deal with her.” “Easy. She’s your former doctors’ only daughter.” “Fine. Siyanga pala, Tito, ano pala ang ginagawa mo rito ngayon sa Pilipinas? I thought you were in Portugal, riding those monstrous waves in Nazare.” Surfer dude ang tiyuhin niyang ito, even in his ripe age of late fifties. “Yeah, I was there. Wala ka namang sinabi na ganon kalalaki ang mga alon dun. Those waves looked like more than sixty feet high!” “I told you they were ‘monstrous’ waves.” Surfer din kasi siya. Nasa extreme side nga lang ang mga uri ng alon na pinupuntahan niya. Inirekomenda niya iyon sa tiyuhin nang tanungin siya nito minsan kung saan pa magandang mag-surf na may magagandang alon. “I rode those wave only once, before I got sucked into the water,” kuwento ng tiyuhin niya. “I was tumbling under water for more than a minute before my men was able to pick me up. Akala ko talaga katapusan ko na. Nakapag-isip-isip tuloy ako. I’m turning sixty in two years. Panahon na siguro para tigilan ko na ang pakikipaghabulan kay Kamatayan.” “Fifty eight ka pa lang ngayon, Tito. Huwag mo masyadong madaliin ang edad mo. Isa pa, bata pa rin naman ang sixty. Lalo na sa iyo na hindi naman mukhang nasa fifties na.” “You are so good for my ego, Rafael.” Nakangiti lang niya itinaas dito ang hawak niyang tasa ng kanyang kape. “So. You’re going to stay in the country?” “For now. Maybe for a year. I wanna spend some time with my one and only pamangkin.” “And you’re more than welcome sa bahay ko, Tito. Kahit na nga hindi ka na bumalik sa Australia at dito ka na lang manirahan. Ako na ang bahala sa lahat ng pangangailangan mo.” “At kaya ko pa naman magbanat ng buto kaya hindi ko tatanggapin ang alok mo, no matter how tempting that was.” “I know that, Tito. Ikaw ang nagturo sa akin kung paanong patakbuhin ang mga negosyo na iniwan sa akin ng parents ko nang mawala sila. Kaya alam ko ang kakayahan mo pagdating sa pagnenegosyo. All I’m saying is, gusto ko lang na magpahinga ka na. Let me just do everything for you, bilang kabayaran sa lahat ng itinuro at guidance na ibinigay mo sa akin mula nang maulila ako.” Tumango-tango lang ito. “I’ll think about that. In the meantime, thank you sa offer.” Rafael just smiled and took another sip on his coffee. Mula sa entrance ng malawak na cafeteria ay napansin niya ang isang babae na kapapasok pa lang. Mukhang may hinahanap ito. Hope it was not her boyfriend. Or husband.  Two women approached her and they happily occupied an empty table nearby. Napadako ang tingin ng babae sa direksyon nila at nahuli siya nitong nakatingin dito. Ngumiti ito at pasimpleng kumaway. Rafael just slightly raised his fingers holding his drinks to return her greeting. “By the way, hijo. How was…your heart?” Doon lang ibinalik ni Rafael ang atensyon sa kanyang tiyuhin. “It’s still fine.” “Wala ka pang nagiging problema?” “You mean, kung hindi pa ba ako natututong magmahal? It’s been ten years, Tito. I don’t think I’ll ever encounter love in this lifetime.” “You’ll never know. Traydor ang pag-ibig. Akala mo nakatakas ka sa galamay niya hanggang sa mamalayan mo na nakatali ka na pala sa kanya, all these years.” “I doubt it. It’s not like I’m avoiding women per se. You know I can’t do that.” “Cheers.” Tinawanan lang niya ang tiyuhin. “Pero sa tingin ko, Tito, pinag-trip-an lang tayo ng Dr. Garcia na iyon. Sinabi lang niyang hindi ako puwedeng magmahal pero ang totoo, totally ay wala talagang kakayahan na magmahal ang ganitong klase ng puso na meron ako. Hindi kasi biro ang sampung taon na ni minsan ay wala man lang akong naranasan na may kinalaman sa usaping pag-ibig. Hindi yata normal ‘yon.” “Hindi nga. Pero hindi rin naman normal ang puso mo. Anyway, bata ka pa naman. Twenty seven ka pa lang. Mahaba-haba pa ang buhay na lalakbayin mo. Better not to let your guard down.” “Don’t worry, Tito. Nasanay na ako sa t***k ng puso ko kaya madali kong malalaman kapag may nangyayaring abnormalities. At gagawin ko ang lahat para pigilan ang nararamdaman ko.” Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita ang tiyuhin niya. “Wala kang balak na magkapamilya, Rafael?” “Meron.” “Then…” “I don’t need to fall in love to have a family, Tito. Maraming babae akong puwedeng pagpilian nang hindi ko kailangang ilagay sa alanganin ang puso ko.” Sinulyapan niya ang direksyon ng babae sa kabilang table. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya bago ito nag-iwas ng tingin nang hindi mapigilan ang pagngiti. “Hindi ka ba naku-curious, hijo?” “Naku-curious saan?” “Of what it’s like to love someone.” “Curiosity kills the cat, Tito. And I don’t have any intention of dying anytime soon.” Nag-ingay ang alarm ng cellphone niya. “Ah, right. My flight nga pala ako pa-Norway mamayang gabi. Kailangan ko nang mag-empake ng mga gamit.” “Wait. Norway?” “May sinalihan kasi akong base jumping competition sa Kjerag. Amazing place.” “Amazing place to die, you mean?” “I am not going to die, Tito. Extreme sports is my expertise. Besides, sa iyo ako nagmana sa kinaaadikan kong ito, Tito. And you’re still alive.” Nakita niyang napatingin na naman sa kanya ang babae sa kabilang table. That was his cue. “Paano nga pala si Mae?” Natigilan si Rafael nang marinig ang pangalan na iyon. “Mae?” “Hindi ba’t may scheduled interview ka bukas sa kanya?” Oo nga pala. At nakasasalay doon ang mga hubad niyang larawan. Bigla siyang nawalan ng interes na makipagkilala sa babae sa kabilang table. “I’ll think about it. Saan ka nga pala nag-i-stay dito sa Manila, Tito?” May binanggit itong hotel. “Gusto mong ihatid na kita?” “Hindi na. May mga imi-meet pa rin naman akong mga dating kakilala at kaibigan.” “Then ipagda-drive na lang kita sa kung saan man ang punta mo.” Saglit na nilingon ng tiyuhin niya ang kinaroroonan ng babae sa kabilang table na tinitingnan niya kanina. “You don’t have a date?” tanong ng tiyuhin sa kanya. “Wala na ako sa mood.” Salamat sa babaeng pasaway na iyon. Matawagan nga ang lawyer ko… “I think you should ask her out.” “Pagkatapos niyang sipain ang nananahimik kong hotel room door? No thanks, Tito. Ayokong mamuti agad ang buhok ko sa kunsumisyon.” “I’m not talking about Mae.” “What?” Itinuro ng tiyuhin niya ang babae sa kabilang table. “I’m talking about her. Not Mae.” “Oh.” Ngingiti-ngiti lang na tumayo na rin ang tiyuhin niya at tinapik sya sa kanyang braso. “Be careful, hijo. Baka kung saan na mapunta iyan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD