CHAPTER 5

1587 Words
BLOATED NA ANG TIYAN ni Mae sa dalawang grande-size na caramel macchiato na in-order, pero wala pa rin ang Rafael dela Merced na iyon. Magta-tatlong oras na siyang nakatambay sa cafeteria ng hotel kung saan ito naka-check in, gaya ng naging usapan nila kahapon. Well, okay. Wala silang napag-usapan na sa naturang cafeteria, o sa naturang hotel, ang meetup place nila ngayon. Still, dapat ay may initiative ito na doon siya hintayin since wala nga itong specific na meeting place na binanggit. Puntahan ko na kaya siya uli sa hotel room niya? Baka kasi napasarap ang tulog nito at hindi na nagising ng alarm clock. Kaya lang, baka ma-badtrip na naman ito sa kanya kapag naistorbo niya ang tulog nito at mabulilyaso na nang tuluyan ang pagkakataon niya. Pero batong-bato na talaga siya sa paghihintay. Kaya para kahit paano ay malibang, binisita na lang niya uli ang mga fan pages na dedicated kay Rafael dela Merced sa mga social media. Makikitsismis muna siya. Ngunit halos mapamura siya nang wala sa oras nang makita ang ilang larawan doon ng walanghiya. Ayon sa post, grabbed photo lang iyon mula sa isang sports group kung saan member si Rafael. The picture was posted on the group’s website, at natiyempuhan ng isa sa mga fans nito ang naturang website habang nagre-research para sa thesis. The date the photo was taken was today, and it was posted only a few minutes ago. In Norway. “Huwaw.” Hindi talaga makapaniwala si Mae. Tinakawasan siya nito. “Magkalasug-lasog sana ang katawan mo sa tinalunan mong bangin na ‘yan, you madapakah!” “Hi. Mind if I join you?” Agad nakilala ni Mae ang kaharap na lalaki. Ang tiyuhin ni madapakah. “Ay, hello po. Sige ho, upo kayo.” “Wrong timing ba ang paglapit ko?” “Hindi naman ho.” Napansin niyang nakatingin sa nakabukas niyang cellphone ang matanda. Pilit niyang itinago ang pagka-badtrip sa pag-ngiti. “‘Yung pamangkin nyo ho…nasa Norway pala siya, ‘no? Ang galeng…” “Yes. He went last night.” Naupo na si Allan dela Merced sa kabilang silya. “Nabanggit nya rin na may meeting nga daw kayo ngayong hapon.” “Ay, naalala pala niya. Tapos umalis pa rin siya. Ang galeng talaga, ‘no ho?” “Pagpasensiyahan mo na sana ang pamangkin kong iyon. Na-miss niya kasi ang makapaglaro nang malaya noong kabataan niya. Kaya nang magkaron siya ng pagkakataon, hindi na siya tumigil pa.” Alam ni Mae na hindi na maipinta ang mukha niya kahit anong pilit niyang ngumiti sa harap ng matanda. “Siguro ho sisingilin ko na lang siya sa susunod na magkita kami.” “That is, kung magkikita pa kayo rito.” “Bakit ho? Sasakabilang buhay na ho ba sya?” She just couldn’t help being this sarcastic. Badtrip kasi siyang talaga. At wala siyang balak na bawiin ang mga sinabi. “Hindi kasi mapakali ang batang iyon sa iisang lugar. I’d say, mga isang linggo lang siyang mananatili sa hotel na ito bago lumipat na naman ng bagong accommodation.” “NPA ho ba siya?” “NPA?” “No permanent address.” Natawa lang ang matanda. “That’s just what he is. He doesn’t want to stick around for too long. Para daw hindi siya magkaroon ng special attachment or something.” “Ang weird nya talaga,” sambit ni Mae. “E…may alam ho ba kayo kung saan siya mag-stay sa susunod? Para ho doon ko na lang siya hintayin.” “I’ll ask him once he get in touch with me.” Pinagmasdan ni Mae si Allan dela Merced. Para talaga itong younger version ni Rafael. Parehong pogi. “‘Buti ho okay lang sa inyo na kulit-kulitin ko ang pamangkin nyo.” “Kilala kasi kita.” “Dahil sa parents ko.” Bummer. “At interesado ako sa nakikita kong reaksyon sa iyo ni Rafael.” “Reaksyon?” Nakangiti lang itong tumango. “I know it’s late for lunch, kaya tatanungin na lang kita kung nakapag-miryenda ka na.” “Nakapag-lunch na ho ako, pero hindi pa nakakapag-miryenda. Balak ko nga ho sana na magpalibre na lang kay Rafael pagdating niya sa interview namin. Kaso hindi naman sumipot ang ungas…” Magdi-dirty finger pa sana siya sa hangin nang mapansing nakamasid pa sa kanya ang matanda. Nag-sign of the cross na lang sya. “Patawarin nawa siya ni Lord.” Tumawa lang ito saka tumawag ng crew para ibigay ang order nila. “So. Nabanggit ni Rafael na humihingi ka raw ng personal interview sa kanya at video documentation ng buhay niya.” “Assignment ko ho kasi sa trabaho.” “My nephew is a very private person. I’m sure na-research mo na ang information na iyon tungkol sa kanya. Mahihirapan kang makakuha ng nire-request mong interview.” “No guts, no glory ho. At pasensiya na ho, ano? Alam kong mahal nyo ang pamangkin nyo at suportado nyo ang pagiging indianero nya, pero kailangan ko ho kasi talaga sa trabaho ‘yung interview at video documentation na iyon, eh.” “Gusto ko ang dedication mo sa trabaho, kaya suportado ko rin ang pangungulit mo sa kanya.” “Ay, I like you rin ho!” Napakadaling patawanin ng matandang ‘to. Walang halong biro, gusto talaga niya ito. Parang ang bait-bait kasi. Tapos suportado pa ang agenda niya sa pamangkin nito. Dumating na ang order nila. Kape lang ang dinampot nito at nilantakan naman agad ni Mae ang para sa kanya. Pasta with extra bread and blended coffee. “If you want that interview and video documentation of my nephew, puwede kitang tulungan.” “Talaga ho?” “Pero may kundisyon ako.” “Ano hong kundisyon?” “Gusto kong itaboy mo ang mga taong mangungulit kay Rafae for any kind of interview.” In other translataion, ididispatsa niya ang mga kakumpitensya niya kay Rafael. “Hindi ho ako tatanggi dyan, Sir.” “Good. And, one more thing. I want you to keep women away from him, those who were giving him special attention and were sticking around him way too much.” “Ano ho ang ibig nyong sabihin?” “Don’t let my nephew fall in love.” “Ah.” Curious siya sa ganap sa pagitan ng mag-tiyuhin. Pero pinigilan niya ang sarili. Ang kailangan lang niya ngayon ay ma-secure ang pakay niya kay Rafael dela Merced. Ngayon, kung may bonus pa iyon, like, a chance to annoy the hell out of that madahpaker every minute, every second of his life…yay! “Magiging evil step mother ho ang papel ko sa buhay ng pamangkin nyo? Gusto ko ho ‘yan, so I shall do my very best, Sir. Pero kailangan ko ho muna ma-secure ang interview at one-week documentation bago ko umpisahan ang pambabakod sa puri ng pamangkin nyo.” “Of course.” Isang tseke ang inilapag nito sa mesa. “Here’s your initial payment.” “Payment?” “Isang taon mong babantayan ang pamangkin ko at hindi mo iyon magagawa nang maayos kung may regular job ka. That’s your compensation para sa pagre-resign mo sa kasalukuyang day-job mo.” “May balak nga ho akong mag-resign na sa trabaho ko ngayon.” Dinampot niya ang tseke. “Pero hindi ho yata puwede na abutin ng isang taon na wala akong matinong trabaho na masasabi. Lagot ho ako sa mga payment bills ko…” Nakita niya ang nakasulat na figures sa tseke. Two million shining, shimmering pesosesoses. “Kailan ho ako magsisimula?” “Pagbalik ni Rafael galing Norway, kakausapin ko siya agad tungkol sa nagpakasunduan natin ngayon. Siguradong hindi ako tatanggihan nun kaya ihanda mo na ang sarili mo.” “Naku, handang-handa na ho ako, Sir.” Tatawa-tawa pa si Mae nang ilaglag na niya sa loob ng kanyang bag ang tseke. Baka kasi magbago pa ang isip nito. “May iba pa ho ba kayong kundisyon na gustong idagdag?” “Ah, yes. There is one more.” The older man took another sip on his coffee before continuing. “Ayoko sa lahat ay ‘yung mga taong magba-backout sa kalagitnaan ng kasunduan dahil lang…sa tinubuan sila ng kunsensiya.” “Don’t worry, Sir. I am not a quitter.” Chos. She’s the biggest quitter in the world kaya. Pero hindi na iyon kailangang malaman ng iba, lalo na ni Mr. dela Merced. “At kapag tinubuan ho ako ng kunsensiya sa gitna ng trabaho ko, ibabalik ko ho sa inyo nang buong-buo ang ibinayad nyo sa akin. With interest pa.” ‘Yabang. Parang may pera, ah.“Gusto nyo pa ho ng kape? Ikukuha ko kayo uli. Ako na rin ho ang magbabayad.” “For real?” Alanganin ang naging ngiti ni Mae. Mukhang alam nito ang ginawa niyang kalokohan sa ‘libre’ niyang kape sa pamangkin nito. “For real ho. This time.” Tumayo na siya para magtungo sa cafeteria counter nang muling magsalita ang matanda. “Hindi ka ba curious kung bakit gagawin ko ito sa pamangkin ko?” Nilingon niya ito. “Trabaho lang ho ito. Walang personalan.” Tumango-tango lang ang matanda. “Sige ho. Ikukuha ko na kayo ng kape nyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD