CHAPTER 6

4170 Words
“HELLO, DOOR. YOU MISS ME?” bati ni Mae sa pinto ng hotel room ni Rafael. “But don’t worry. I’m not gonna kick you again. Sayang ang Jimmy Choo shoes ko, ‘no?” Salamat sa shining, shimmering two million pesos advanced pay ko. Maingat siyang pumindot sa doorbell ng hotel room dahil bagong tabas lang ang mga kuko niya. But, seeing how her newly manicured nails looked so nice against the silver color of the doorbell, she pushed it again. And again. Sabi ni Mr. Allan, nakabalik na raw ng bansa ang pamangkin nitong kumag noong nakaraang araw pa at nasabi na rin nito ang tungkol sa napag-usapan nila ni Mae. Which was kinda weird. Mukha namang lalaking-laki ang Rafael dela Merced na iyon, pero bakit parang payag ito na harangan ng tiyuhin ang lovelife nito? Ah, well. Whatever. Hindi na niya problema ang ka-weird-duhan sa buhay ng magtiyuhin. “Trabaho lang, walang personalan,” ulit niya sa mantra. “Pero ang ganda talaga ng kulay ng nail polish ko. Bagay na bagay sa doorbell na ‘to—“ “Tigilan mo iyan. Hindi iyan lalaban.” Napaangat ang tingin ni Mae sa nagsalita. Nagbukas na pala ng pinto si Rafael, hindi pa niya napansin. “Good morning, Mr. dela Merced. I’m here for our scheduled interview. I’m assuming you already knew about it?” “Oo. Nagkausap na kami ni Tito Allan.” “I’m also assuming that you stood me up on our first scheduled interview?” He just gave her a blank look. “Sige. Pinapatawad na kita. Can I come in? O gusto mong sa ibang lugar na lang natin gawin ang interview?” Pasimple siyang sumilip sa silid nito. “Wala ka naman sigurong itinatagong babae riyan, ano?” “Ikaw lang naman ang babaeng malakas ang loob na mang-istorbo sa akin ng ganito ka-aga.” “Naniniguro lang naman akong hindi mo ako tatakasan.” “Hindi kita tinakasan. May flight lang ako nang gabing nagka-usap tayo na hindi ko puwedeng ipagpaliban.” “At hindi mo man lang naalala na ipaalam sa akin? Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin ang gumising nang ganon ka-aga at maghintay ng mahigit kalahating araw para lang malaman na wala ka na pala sa bansa?” “The cafeteria crew said you only waited for three hours before my uncle saw you and talked to you.” “Tinanong mo talaga ang crew kung gaano ako katagal naghintay?” Imbes na sumagot ay hinayaan lang nitong buksan ang pinto ng silid. “Just get in.” Hindi na rin siya nito hinintay na sumagot at basta na lang siya tinalikuran. Pumasok na rin si Mae bago pa magbago ang isip ng lalaki. In fairness, malaki ang silid nito. Malawak ang living room na kumpleto sa gamit. Pero mas napansin niya ang nagkalat na bulak, alcohol at iba pang anik-anik mula sa medicine kit na nasa ibabaw ng center table. Umupo si Rafael sa mahabang sofa at inangat ang braso para alisin ang nakatapal na bandage roon. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng ulirat nang makita ang sugat nito na tila hiniwa ng isang mapurol na lagare. “Napaano iyan?” “Unfortunate accident,” simpleng sagot lang nito saka muling inasikaso ang sugat. “Nangyari sa last base jump stint ko sa Norway. Hindi ako agad nakapag-adjust nang biglang magbago ang ihip ng hangin nang malapit na ako sa landing point. Bumagsak ako sa isang malaking bato sa gilid ng cliff.” “Magpa-ospital ka kaya?” “It’s fine. Sinabi naman ng Norwegian doctor na nag-asikaso sa akin na hindi naman delikado ang sugat na ‘to. Kaya nga hindi na rin nila tinahi.” He started cleaning his wound. Or maybe that’s because you stood me up on our scheduled first interview. Karma’s a b***h, bruh. “I still think you need to go to a hospital. Mukhang may impeksyon na ‘yan, o.” “I’m fine. Bakit hindi ka maupo? Kaya mong mag-interview ng nakatayo?” Pumuwesto ng upo si Mae sa kabilang bahagi ng sofa, malayo sa view ng injury ni Rafael. Isa-isa na rin niyang inilabas ang mga gagamitin para sa interview session nila. DSL camera, voice recorder, at mga questionaires. “What’s with the camera?” tanong ni Rafael. He was still trying to tend to his wound. “Akala ko ba interview lang ito?” “Para sa documentation ‘yan. Siguradong makakakuha ng interest ng mga tao ang picture mo na naglilinis ng sugat, na nakuha mo sa isang freak accident from your bad adventure in Norway…pagkatapos mo akong indyanin sa nauna nating scheduled interview.” “You do love emphasizing on a past issues, don’t you?” “Oh, don’t worry. I’m okay now. Past is past.” Dinampot na niya ang camera at kinuhaan ng ilang shots si Rafael habang abala ito sa pag-aasikaso sa sugat nito. She zoomed in on his wound. Naramdaman uli ni Mae ang panghihina niya kaya mabilis niyang inilipat ang focus ng camera sa mukha ng binata. Dito na lang, masaya pa. He had a very nice profile. Sharp jaw, pointed nose, nicely-shaped lips, she could even make out those thick eyelashses of him… He suddenly looked up, straight at her. Dahil naka-zoomed in sa mukha nito ang camera niya, kitang-kita ni Mae ang magagandang mata ng binata. Those expressive eyes…captivating eyes… Bakit parang biglang sumobra na yata sa kapogian ang isang ito? At bakit parang…habang tumatagal ay parang…naiilang na siya sa mga tingin nito…? Narinig ni Mae ang pag-click ng camera niya. Ni hindi man lang niya namalayan na kinuhaan na niya ng larawan ang binata? This is not good. Bumalik na siya sa pagkakaupo sa sofa at binitiwan na rin niya ang camera. Ang mga questionaires na lang ang dinampot niya. “Shall we begin the interview?” Humarap sa kanya si Rafael habang patuloy sa pag-aasikaso sa sugat nito. “Fire away.” Pero hindi makapag-concentrate si Mae, lalo at nasa harapan na uli niya ng lintik na injury nito. Pansin din niya na medyo nahihirapan si Rafael sa ginagawang paglilinis sa sugat nito. “Ako na nga dyan.” Dinampot ni Mae ang isang cottonball at nilunod iyon sa antiseptic mula sa maliit na botelyang hawak kanina ng binata. Pagkatapos ay idinampi iyon sa sugat ni Rafael habang nakatutok ang atensyon niya sa pagbabasa ng mga katanungan sa hawak na mga papel. “Please state your complete name, age, civil status, line of work, hobbies, at kung ano pang maisipan mong gustong idagdag sa mga infos na tungkol sa iyo.” “I’m Rafael dela Merced. Twenty seven years old. Single. I’m into various kinds of business, from manufacturing to import-export of consumer goods to hotels, luxury resorts, land development and constructions, electric and water distribution…Hey, you’re not doing it right.” Automatic na napatingin siya rito. And that’s when she saw what she had done to his wound. Or rather, to his arm. Parang mas nagmukhang malala ang injury nito dahil sa pagkalat ng kulay pulang antiseptic sa braso nito. Isang beses lang yatang tumama sa target ang cottonball na hawak niya. Daplis pa. “Ako na nga ang magbabasa.” Kinuha na ni Rafael ang hawak na papel ni Mae. “Asikasuhin mo na lang nang maayos ang paglalagay ng antiseptic sa sugat ko.” Nandidiring itinapon ni Mae ang hawak na cottonball. “Eww!” Pero napilitan na rin siyang dumampot ng panibagong cottonball nang mag-umpisang basahin ni Rafael ang mga tanong sa questionaires. Nakakaawa din naman kasi ang lalaki dahil mukhang nahihirapan na nga itong asikasuhin ang sarili nito na kinailangan na nitong humingi ng tulong sa kanya. “Mr. Rafael, Sir, may girlfriend na po ba kayo? Kung wala pa, puwede mong mag-apply? Ano po ang kulay ng mundo kapag inlove ang mga tao? Bakit may mga lalaking ibinigay mo na nga lahat-lahat, nagagawa ka pa ring lokohin at iwan?…Ano bang klaseng mga tanong ‘to?” “Mga interesanteng tanong na pagkaka-interesang basahin ng mga readers ng magazine namin.” “Interesting? Interesting ba ang tanong na… Sir, do you sleep naked?” “I’m interested.” With that kind of body, I really hope he do sleep naked— “Ay!” Aksidente niyang nabitawan ang cottonball at bahagyang dumikit ang daliri niya sa gilid ng sugat. “Oh, my God! I touched an open wound!” “I know. I saw it. Felt it, too.” “I’m so sorry!” Napabuntunghininga na lang si Rafael nang pagmasdan nang husto ang braso nito. “At least, kahit paano ay nadaanan na ngayon ng antiseptic ang sugat. Puwede na. Here.” Ibinigay naman nito ang bandage kay Mae. “Paki-bandage na.” “Ayoko! Baka mas lalo lang lumala ‘yan sa mga kamay ko.” At ayaw na rin talaga niyang makipag-meet-and-greet sa open wound na iyon. “Tingnan mo kasi ang ginagawa mo.” “Hindi ako sanay na makakita ng ganyan, eh…” Sinulyapan lang niya uli ang sugat nito. “Bakit ba kasi hindi ka na lang sa ospital magpa-asikaso?” “Hay. Ako na nga—“ “No. Kaya ko ‘to. Just give me time to adjust…” Sinubukan uli ni Mae na sulyapan ang sugat nito at parang gusto na niyang maiyak. Napansin niyang parang nagpipigil na mapangiti si Rafael. “Tawanan daw ba ako?” “I’m not…” Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin, halata na itinatago lang ang pagngiti. Muli nitong binalingan ang pagbabasa sa mga katanungan. “Take your time. Mukhang marami naman itong nasa questionaire mo… How did you come up with these questions, anyway? Ganito ba talaga ang mga tanong sa ganitong klase ng interview?” “Galing iyan sa mga fans mo sa social media. Sila ang magiging target market ng issue ng magazines namin kaya sa kanila na lang ako nagtanong kung ano-ano ang mga gusto nilang malaman tungkol sa iyo.” Nasa malapit na nga naman sa kilikili nito ang sugat, dun sa parte na hindi madaling makita nang maayos ng taong may pinsala. Kaya kahit hindi mapakali ay napilitan na rin si Mae na asikasuhin ang pagba-bandage sa sugat nito. Isang dangkal ng gauze bandage ang itinapal niya sa sugat ni Rafael. There, wala na siya makita ni anino ng sugat. Nilagyan na rin niya ng medical tape ang bandage para hindi iyon mawala sa puwesto. “Basahin mo nga pala ang mga pangalan ng mga nagtanong. Para kahit paano, kahit kunwari lang, nakilala mo sila.” “Fine. From Jamaica Usman Mayo, ’What word would best describe you the most?” Masungit. Antipatiko. Suplado. Hindi marunong tumupad sa pangako. Iyon ang mga naisip ni Mae na sagot sa naturang tanong. “Lonely.” Natigilan si Mae sa narinig na sagot ng binata at napatingin dito. He looked like he was in deep thought as he look at the paper in his hand. Then he turned to her. “What?” “Lonely…?” “Yes.” “Lonely talaga?” “Gusto ko ‘lonely’ ang i-describe ko sa sarili ko. May problema ba?” Gusto lang nito ng salitang ‘lonely’ kaya iyon ang isinagot nito? “Why not try ‘weird’?” “Why don’t you just focus on taking care of the bandage on my wound?” “Fine. Continue with the questions, please.” Itinuloy na rin niya ang paglalagay ng medical tape sa bandage. “From Jaquelyn Mendoza, ‘Favorite number mo sa electric fan?’ I don’t have a fan. Naka-aircon ako lagi.” “‘Yabang,” bulong niya. “You’re saying something?” “Sabi ko, ‘Yaman’. ‘Yaman mo. Wow.” Hinabaan niya ang pinutol na tape bago iyon idinikit uli sa bandage. “Please continue.” “From Carissa Mae Cañete, ‘Sir, are you gay?’ What the heck?” Hindi napigilan ni Mae ang impit na matawa. “Maghanap ka na lang ng mga tanong na gusto mong sagutin.” “I am not gay.” “‘kay. Next question na, please.” “I’m not gay.” “Oo na nga. Naniniwala na ako sa iyo. Next question.” Hindi na tiningnan pa ni Mae si Rafael dahil baka matawa lang uli siya kapag nakita niya ang expression sa mukha nito. But of course, she knew he was not gay. Kinuha lang niya ang question na iyon sa mga fans nito dahil…wala lang. Trip. “From Elvie Rose Tampos Alingasa, ‘What are the things you miss in your life?’ Those happy times when my parents were still alive. From Marciana A. Fabella, ‘If you were given a chance to have an immortal life, how would you spend it?’ Fall inlove every chance I get.  Again from Jamaica Usman Mayo, ‘What makes you unique from others?’ My heart.” Hindi maiwasan ni Mae ang maintriga sa mga naririnig na sagot ng binata. Bakit parang ang lalim ng mga hugot nito sa buhay? May pinagdaraanan? “What’s this? Gasa na may tape o tape na may gasa?” Napatitig si Mae sa braso ni Rafael nang marinig ang tanong nito. Doon lang din niya napagtanto na halos balutin na niya ng gasa ang buong braso nito at sala-salabit na rin ang tape na idikinit niya roon. “Secured na secured na ang sugat mo. O, ano na ang susunod na tanong dyan?” “You’re not taking notes.” “Naka-open naman ang recorder…” Dumako ang tingin niya sa recorder na nakapatong sa center table. Na hindi naka-on. Kaya ini-on na lang niya. “Okay. Back from the top.” “We’re done with this interview. Hindi ko na kasalanan kung nakalimutan mong i-on ang voice recorder mo.” Ininspeksyon na ni Rafael ang kinahinatnan ng sugat nitong ipinagkatiwala sa dalaga. Hindi na mawala-wala ang kunot sa noo nito. “Nagmukha nang may malubha akong sakit na itinatago imbes na simpleng sugat lang dahil dito sa ginawa mo.” “Huwag mo ngang malait-lait ang ginawa kong effort para lang malagyan ng bandage ‘yang sugat mo. Alam mo ba kung ilang beses na akong muntik mawalan ng ulirat dahil dyan? Hindi ako sanay makakita ng open wounds, much more ang mag-asikaso nun. Tapos lalaitin mo lang?” She threw a pathetic look at her useless and even more pathetic voice recorder. “Tapos hindi man lang mapagbigyan ang request kong ulitin ang mga tanong at pagsagot. Makunsensiya ka naman.” Masasayang ang isang oras na tulog na isinakripisyo niya para magising ng maaga para lang sa interview na iyon? Unacceptable!  “You’re not going to cry, are you?” Napalingon si Mae kay Rafael para bugahan sana ito ng apoy sa asar. Hindi lang niya inaasahan na magagawang i-pacify ang pagkaasar niya rito sa isang tingin lang niya rito. Mga tatlong dangkal siguro ang pagitan nila sa sofa. Pero pakiramdam ni Mae ay halos magkadikit na ang mga mukha nila sa klase ng reaksyon ng t***k ng puso niya nang mga sandaling iyon. He looked so damn manly sitting so confidently, with his one hand placed comfortably over his one thigh, his body slightly turned to her side, his handsome face was…still handsome. Walang laban ang asar niya, beh. “Huwag ka nang umiyak. Let’s just do this interview again. Pero next time na. May importante akong lakad ngayong araw.” “H-hindi naman ako…iiyak…” Sinundan lang niya ng tingin si Rafael nang tumayo ito. Now why does it felt so nice knowing he didn’t refuse a second interview? And he sounded so nice… “Saan ka pupunta? Puwedeng sumama?” He gave her a weird look. She felt weird, too, with the kind of request she had. Kaya mabilis siyang nag-isip ng palusot. “Ah…a-ano…para…para sa documentary lang. Alam mo naman ‘yun, ‘di ba? Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano dyan.” “Wala naman akong iniisip na ‘kung ano-ano’.” “So, puwede akong sumama?” “Puwede. But your shoes…” “What’s wrong with my Jimmy Choo? Mamahalin ‘to.” “Masyadong mataas ang mga takong nyan. Baka hindi ka tumagal sa pupuntahan natin.” “Matibay ang Jimmy Choo ko. Kakayanin nito ang lahat ng dagok sa buhay. Mamahalin kaya ‘to.”   “Ikaw ang bahala.” Naglakad na ito patungo sa may pinto ng silid nito. Dalawang malalaking bags ang naroon na ngayon lang napansin ni Mae, both resembling military bags with its camouflage design. Isang backpack na tila kasya ang isang tatlong talampakang bata sa loob at isang duffel bag. He took the duffel bag and easily swung it over his shoulders, and hold the other bag with his injured arm. Halatang nagdalawang isip ito sandali bago bumaling kay Mae. “You really wanna come? Kunsabagay magandang subject itong activity ko ngayong araw para sa documentary na gagawin mo tungkol sa buhay ko. This could be your ‘first day’.” “You’re going to make me carry that ugly backpack, aren’t you?” “Magaan lang naman ‘to.” “No. I’ll just start my ‘first day’ tomorrow.” “Hindi mo ako makikita bukas. I’ll be busy.” “Saan ka bukas?” “Sa lugar kung saan dadalhin ang ugly backpack na ‘to.” Gustong tumanggi ni Mae. Gusto kasi niyang lumayo na muna sa lalaking ito para i-assess ang mga kakaibang reaksyon niya sa binata na napapansin niyang parang hindi na normal. Pero kung uunahin niya ang mag-pabebe, napaka-unprofessional naman nun. At mababawasan pa ang araw ng paglaya niya sa trabaho bilang lifestyle writer. ‘Yun pa naman ang goal niya ngayon. Ang matapos agad ang assignment niya sa Sparks Magazine para makapagsimula na siya sa malaya, at mayaman, niyang bagong buhay kapiling ng two million shining, shimmering peysos. Naibili pa naman na niya ang ilang parte ng perang iyon ng Jimmy Choo shoes niya. “Fine.” Itinambak na uli ni Mae sa kanyang tote bag ang mga ginamit sa interview, saka nilapitan ang pangit na military backpack para buhatin. Pakiramdam niya ay lumagutok ang spinal cord nang mabigla siya sa bigat ng binuhat. “Ano ba ang laman nito? Hollow blocks?” “Just some vitamins.” “Vitamins? Na gawa sa hollow blocks?” Gusto na niyang sipain ang bag. “Mga vitamins, ilang medicines, mga snacks, I think four big cans of milk, diapers—“ “Diapers?!” “Para sa mga matatandang nasa shelter ng mga inabandonang matatanda. Doon ang destinasyon ng mga bags na ito. Anyway, huwag mo nang intindihin ‘yan. Magpapatawag na lang ako ng bell boy para tulungan akong ibaba ang mga ito sa basement parking. Naroon kasi ang kotse ko—“ “Ang yaman-yaman mo, ito lang ang dadalhin mo?” Pero naiiyak pa rin siya isipin pa lang kung gaano kabigat ang bag na ‘yon. Mas matindi nga lang ang sipa ng kunsensiya niya kaya magtitiis na lang siya. “May nauna nang mga truck ng supplies sa shelter. Itong laman ng mga bags na ‘to, last-minute addition na lang ang mga ito. Hindi kasi maganda sa pakiramdam na basta na lang ako pupunta sa shelter nang walang anomang dala. Excited pa naman lagi ang mga matatandang iyon kapag nakakakita sila ng mga dalaw…What are you doing?” Umupo na kasi si Mae sa sahig at isinuot ang kanyang mga braso sa mga strap ng backpack. “Maarte lang ako, pero kahit paano ay may kunsensiya pa rin naman ako.” She tried to getting up with the backpack on her shoulders. And failed. Muntik pa siyang mapalupasay sa sahig nang mawalan siya ng balanse. Naramdaman niya ang paggaan ng bitbit na backpack, pulling her up at the same time. Nang tuluyan siyang makatayo, doon lang niya na-realize na si Rafael ang ‘nagbuhat’ ng backpack na suot niya kaya gumaan iyon. Now she was standing face to face with him, and she could see those bulging muscles and manly veins in his arm. She never thought a man’s arm could look so…sexy. “Bitawan ko na, ha?” wika ng binata. Sigurado talaga si Mae na biglang nagkataning ang buhay ng spinal cord niya, eh. Salamat sa napakabigat na bag na iyon, pero nagpakatatag siya kahit bahagya pa siyang gumewang sa pagkakatayo niya at napa-atras ng dalawang beses. Mabuti na lang at naagapan siya ni Rafael at inalalayan siyang makuha uli ang balanse niya. “I want my yaya,” lihim na hinaing ni Mae. “Sorry about that…” Napatingin na naman si Mae sa braso ng binata. Dahil nakatayo na siya, at sa itaas na bahagi ng backpack nakahawak si Rafael, naging maliit tuloy ang distansya sa pagitan nila. Like, mga dalawang dangkal lang, bes. Pakiramdam tuloy niya ay nakakulong na siya sa mga bisig ng binata, amoy na amoy kasi niya ang masculine scent nito, at tila ba napaka-safe niya sa kinaroroonan niya nang mga sandaling iyon. She felt so small even with her three-inch heels, her eye level only reached his chest, but she never felt so girly standing beside a man. What a feeling. “Okay ka lang?” Napatingala siya sa binata nang marinig ang boses nito. Sinalubong siya ng napakaguwapo nitong mukha, at nagtatanong na mga mata. Magagandang mga mata, I might add. His eyebrows slightly lifted up in inquiry. Lovely eyebrows, I might add also. “Kung hindi mo talaga kaya, magpalit na lang tayo ng bag. Medyo magaan yata itong dala ko.” And when he’s being nice like this… “Hindi na. Kaya ko na ‘to.” In-adjust niya ang backpack sa likuran niya, para lang ma-outbalance uli sandali. Automatic siyang napakapit sa dibdib ng binata. “Ay! Sorry!” Umatras siya at muntik na naman siyang bumaliktad dahil sa hindi pa rin niya ma-adjust na balanse. Mabuti na lang at to the rescue uli si Rafael. He took her tote bag and slipped it on his shoulders without letting go of  Mae’s backpack. “I think we might need to cooperate to get through this.” “Tingin ko nga rin.” Nakita niya ang tote bag sa balikat ni Rafael. “Ako na lang ang magbibitbit niyan—“ “It’s fine. Masyado na nang mabigat itong dala mo.” Itinaas nitong muli ang braso para kahit paano ay mabawasan ang bigat ng dala ni Mae. “Sorry you had to carry this backpack. My other arm’s not that reliable today. Aalalayan na lang kita sa bigat hanggang sa makarating tayo sa kotse ko sa parking lot.” “Okay.” And so they both walked out of the room. Rafael looking like he just picked up a kitten to throw into the garbage bin outside the hotel. A kitten with a huge backpack. Pero ang lakas niya talaga, parang halos wala na akong dala. To think na may injury pa ito sa kabilang braso. Bitbit pa nga nito ang tote bag ng dalaga. She was a very independent woman. Hindi siya sanay na mag-rely sa ibang tao, lalo na sa mga lalaki, kung alam niyang kaya niyang gawin ang isang bagay. O kahit nga hindi niya kaya, pipilitin pa rin niyang gawin mag-isa para huwag lang masabihang pala-asa sa iba. But…what’s up with Rafael dela Merced making her feel this way? Bakit imbes na magpanggap na siya si Wonder Woman, feel na feel pa niya ang magpanggap na damsel-in-distress? Ito ba ang pakiramdam ng mga damsel-in-distress na matagal na niyang kinabubuwisitan sa mga love stories na nababasa at napapanuod niya? Kaya ba sarap na sarap ang mga luka-lukang iyon na magpa-rescue lagi sa mga knight-in-shining-armors nila dahil ganito nga ang pakiramdam ng laging nire-rescue kahit hindi naman kailangan? Magpapalit na yata siya ng paniniwala, ah. Because letting someone like Rafael dela Merced treat her like this, and made her feel how great it was to be a woman… Bills to pay is lifer. Bills to pay is lifer. Bills to pay is lifer… Repeat until fade.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD