MAE STOPPED TAKING PICTURES and just watched what was going on in front of her. Buhay na buhay ang mga matatanda ng Castle Vania, ang home for the elderly people na ayon sa pagkakaintindi niya sa sinabi ni Rafael, ay isa sa mga foundations na tinutulungan nito. Hindi lang naman ang binata ang nag-iisang nag-aasikaso ng mga matatanda roon. Marami-rami rin ang mga volunteers, lahat ay nakasuot ng t-shirt na puti. Marahil ay para ma-distinguish mula sa mga shelter personel. Masaya ang pinatutugtog na musika, kasabay ng pakikipaglaro, pakikipagkuwentuhan at pakikipagsawayan ng mga volunteers sa mga matatanda.
Malaki ang compound na napapaligiran ng mga puno at halaman. Maaliwalas ang simoy ng hangin at walang maririnig na ingay ng mga sasakyan. Tamang-tama nga ang lugar na iyon para sa mga matatandang naghahanap na lang ng kapahingahan sa mga huling sandali ng buhay nila.
Mabait rin ang mga staffs ng shelter na walang tigil sa pag-aasikaso sa mga volunteers at sa mga matatanda pati sa mga supplies na kasama nilang dumating doon. Isang truck ang nakita ni Mae na nakaparada sa labas ng shelter kung saan galing ang mga supplies ng shelter para sa mga matatanda roon. Base sa naririnig niyang usap-usapan ay galing lahat iyon kay Rafael. And speaking of that guy, halos lahat ay kilala nito na magiliw na nakipagkamustahan sa mga tao roon mula sa mga volunteers, staffs hanggang sa mga matatanda.
Hindi tuloy maiwasan ni Mae ang mas lalong pagtuunan ito ng pansin lalo na ngayon na nakikita niya itong hawak ang kamay ng isang matanda na tumabi rito sa kinauupuan nitong mahabang kahoy na bangko, habang nakangiting tila hinihilot-hilot ang kamay ng matanda. He looked so gentle, so warm, and so handsome…damn! Ang sarap talaga niyang tingnan.
Ang imaheng iyon ni Rafael ang naging subject ni Mae sa mga larawan niya ngayong araw. Sa bawat pag-click ng kanyang camera, pataas din nang pataas ang paghanga niya sa binata. Kapag lumabas ang mga larawang ito sa magazine article na gagawin niya, siguradong madadagdagan ang mga babaeng mababaliw sa binata.
And every passing seconds, her heart started loosening up.
Mula sa guwapong mukha ni Rafael ay lumipat uli ang lente ng camera niya sa mukha ng mga matatanda roon. As she watched old people converse with everyone who turns to them, as they laugh, as they exchange smiles, Mae’s camera started focusing more clearly on the faces of these forgotten people of society. Their genuine smiles, eyes that were bright and hopeful. Walang mababakas ng kahit anong palatandaan ng lungkot sa katotohanang pinabayaan na ang mga ito ng mga pamilyang minsang pinagbuhusan ng mga ito ng pagmamahal at oras.
Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang sariling mga magulang. It was only now that she could remember the graying of their hairs, their wrinkled faces, the obvious signs that they were not young anymore. Unti-unting ibinaba ni Mae ang hawak na camera habang patuloy na umiikot sa kanyang alaala ang mga palatandaan na tumatanda na nga rin ang mga magulang niya na ngayon lang niya napagtuunan ng pansin. Naalala rin niya ang mga pagkakataon na nakikipagmatigasan siya sa mga ito, sinisigawan kapag nagagalit siya na hindi nasusunod ang mga gusto niya, sinasagot-sagot kapag pinagsasabihan siya sa mga maling desisyon niya, ‘yung mga pagkakataon na hindi man lang sumagi sa isip niya na malayo na ang itinakbo ng panahon sa kanilang mag-anak. Na hindi na siya bata at hindi na rin bumabata ang kanyang mga magulang.
Masama pa rin ang loob niya sa mga ito dahil sa kinahantungan ng relasyon nila ni Bernard. Pero hindi rin niya maiwasang maalala ang kanyang Mama at Papa at unti-unting mapaluha habang pinagmamasdan ang mga matatanda na nasa harapan niya ngayon. Nag-iwas siya ng tingin para i-distract ang sarili.
Isang matandang babaeng naka-wheelchair naman ang nahagip ng mga mata na nag-iisa sa ilalim ng isang puno ng mangga. Mae zoomed in her camera on the old woman, and that’s when she noticed she was struggling to open a buscuit. Ayaw niyang lumapit dito, ayaw niyang makialam, at mas lalong ayaw niyang maging parte ng tila napakalungkot na espasyo ng matanda. Kaya ibinaling na lang uli niya ang atensyon sa masayang kaganapan ng mga matatandang kasalukuyang naglalaro ng Stop/Dance. Pero hindi naman niya makalimutan ang imahe ng matandang naka-wheelchair.
Old, weak, alone, and very lonely.
Natagpuan na lang ni Mae na naglalakad na siya palapit sa matandang naka-wheelchair. Pero imbes na maki-tsika ay dumiretso lang siya sa concrete bench na nakapaikot sa puno ng mangga at doon umupo. Tahimik lang niyang kinutingting ang camera niya, kunwari busy, habang ang atensyon naman niya ay hindi maialis sa matanda. Hanggang sa balingan na rin niya ito. The old lady was still struggling with her biscuit, her wrinkled fingers looked so pale and fragile. Parang may kung anong kumurot sa puso niya nang mga sandaling iyon.
“‘La, gusto mong tulungan kitang magbukas nyan?”
The old lady looked up to her slowly, saw Mae, and smiled. That stinging sensation in her eyes came back, kaya kumilos siya para ma-distract ang sarili sa tuluyang pagtulo ng mga luhang nagbabadyang makawala sa kanyang mga mata. Lumapit siya sa matanda at sinubukang kunin ang hawak nitong biskwit. Nang may kung sinong pumigil sa kamay niya. Si Rafael. Marahan itong umiling at inudyukan si Mae na bumalik sa kinauupuan niya kanina sa ilalim ng puno ng mangga. Tumabi na sa kanya ang binata.
“She’s Lola Tessa. At ilang taon na niyang binubuksan ang biskwit na ‘yan.”
“Taon?”
“It may look like she wanted to open it, but in truth, she doesn’t want to.”
“Anong ibig mong sabihin? Tsaka, kung ilang taon na niyang binubuksan ‘yan, e di expired na ‘yang biskwit nya.”
“Doesn’t really matter. She just wanted to hold on to that biscuit, not necessarily eat it.”
Napapakunot-noo na lang si Mae. “Hindi ko yata maintindihan…”
“Six years ago, natagpuan si Lola Tessa ng mga pulis na palakad-lakad sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Nang tanungin sya kung ano ang ginagawa nya dun, delikado nga kasi roon sa dami ng mabibilis na sasakyan, ang sinabi lang niya ay hinahabol daw nya ang mga kumuha ng paninda nyang mga kendi. Inutang lang daw nya ang puhunan nya dun kya kailangan niyang makuha iyon para maipambayad sa inutangan at nang makautang sya uli. Para may pambili daw ng pagkain ang mga apo nya.”
“What…?” Hindi makapaniwala si Mae sa naririnig. Akala niya ay sa mga tv documentaries lang siya makakarinig ng mga ganong kwento ng buhay. Pero ngayon, heto ang isang kuwento na patunay na malupit talaga ang mundo, lalo na sa mga kapus-palad. “Nasaan ang mga anak niya? Wala ba siyang kamag-anak? By the looks of her, she’s what age at that time? Sixty?”
“Eighty five.”
“Eighty five…and she’s still working?” Hindi rin halos maatim ni Mae ang nai-imagine niyang eksena nang araw na matagpuan ang matanda sa kahabaan ng highway na iyon. Mabagal ang paglalakad, uugud-ugod, pagod na pagod…habang hinahabol ang mga walanghiyang nagnakaw ng paninda niya.
Naiiyak na si Mae sa magkahalong sobrang awa sa matanda at galit sa mga taong gumawa ng masama rito.
“Walang maasahan si Lola Tessa sa mga anak niya dahil either lulong sa droga ang mga iyon o di kaya ay wala talagang trabaho. Kaya sa kabila ng katandaan, napipilitan pa rin siyang magtrabaho.” Rafael gave the old lady a warm and gentle look. “Nang iuwi ng mga pulis si Lola Tessa sa barong-barong ng kanyang pamilya pagkatapos siyang makita sa kahabaan ng Commonwealth, wala na siyang naabutan sa kanila. Sabi ng mga kapitbahay niya, nagmamadali raw na umalis ang mga anak niya dahil nagka-onsehan sa droga kaya kailangang magtago kasama ng mga anak ng mga ito. Walang naiwang pagkain para sa matanda. Walang naiwang gamit. Walang naiwang damit. Hinala ng mga kapitbahay, ibebenta ang mga iyon para magkapera at pamasahe sa kung saan man sila magtatago. O pambili ng panibagong sachet ng shabu. The only thing left in that house was that biscuit.” Itinuro ni Rafael ang hawak ng matandang nasa wheelchair. “Sabi ng mga house parents nang dalhin dito si Lola Tessa, noong nakakapagsalita pa siya ay wala siyang ibang ikinukwento kundi ang paborito niyang apo na kapag binibigyan daw niya ng biskwit ay lagi siyang binibigyan ng parte. Sa tingin ng mga tauhan dito sa shelter, iniingatan ni Lola Tessa ang biskwit na iyan para hindi niya makalimutan ang pamilya niya.”
“Bullshit,” sambit ni Mae nang hindi pa rin nililingon ang binata. “Pamilya pa ba ‘yun? Pagkatapos silang pakainin at alagaan, pababayaan na lang siya nang ganon? Pamilya ba ‘yun?”
“Kahit gaano pa sila kasama sa tingin mo, sila ang tanging pamilya na meron si Lola Tessa.”
“Well, their family sucks.” Hindi na matiis ni Mae ang nararamdamang awa, frustration at galit kaya iniwan na niya sina Rafael at Lola Tessa.
Hindi siya huminto sa paglalakad at bahala na kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa, basta kailangan niyang makalayo at naninikip na ang dibdib niya. Hanggang sa makarating siya sa pinaka-likuran ng shelter. Makikita roon ang iba’t ibang klase ng mga nakatanim na gulay at ilang mga halamang namumulaklak sa gilid ng pader.
She took a deep breath and tried to calm herself. She looked down to calm herself, but seeing her beautiful and very expensive high-heeled strapped stiletto Jimmy Choo shoes reminded her of Lola Tessa’s image walking very slowly along a busy highway trying to catch those thieves who stole her candies…
Hindi na napigilan ni Mae ang mapahikbi hanggang sa tuluyan na siyang mapaiyak. Palakas nang palakas. Wala na siyang pakialam kung may makarinig man sa kanya. Masakit ang puso niya, masamang-masama ang loob niya at kailangan niyang mailabas iyon kung hindi ay baka maghanap siya ng kaaway nang wala sa oras. Naupo siya sa katawan ng natumbang puno ng mangga at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak habang inaalis na ang pagkaka-strap ng kanyang mga sapatos sa binti niya. She had finally taken off her shoes when she heard Rafael’s familiar voice.
“Bakit hinubad mo na ang mga iyan? Napagod ka na sa wakas?”
She clutched her shoes against her chest and looked up to him. “Kasalanan mo ‘to, eh. Bakit dito mo pa naisipan na magdala ng mga supplies? Wala ka bang foundation na may kinalaman sa mga abandoned animals? Kailangan abandoned oldies talaga?”
“May isang animal shelters din akong sinusuportahan. Pero three weeks ago pa nakapag-deliver ng mga supplies doon ang mga tauhan ko. I also have three cancer wards for kids from public hospitals to visit later and the next two days.”
“Cancer wards for kids?” Isipin pa lang ni Mae ang mga imahe ng mga batang may cancer na nakikita niya sa mga social media sites na kinabibilangan niya, naiiyak na naman siya. “Magkakasakit na yata ako sa puso…”
“Hindi mo kailangang sumama kung ayaw mo. Baka maubusan ka lang ng luha dun.” Inabutan siya ni Rafael ng ilang piraso ng tissue mula sa bitbit nitong pakete ng tissue. “May ibang activities pa naman akong naka-schedule for this week na puwede mong isama sa ginagawa mong documentaries ng buhay ko.”
Naupo naman sa tabi niya si Rafael nang tanggapin niya ang alok nitong tissue. “Bakit ang lungkot ng buhay ng ibang tao? Bakit hindi pare-pareho ang lagay ng lahat? Bakit kung sino pa ‘yung nangangailangan, sila pa ‘yung walang-wala talaga? This life really sucks.”
“Well, imagine this…kung lahat ng tao gaya kong perfect—“
“Oh, shut up.” Inagaw na niya nang tuluyan ang pakete ng tissue na hawak ng binata dahil naubos na niya ang mga ibinigay nito kanina. “Paano mong natatagalan ang mga ganung klase ng eksena, Mr. dela Merced? ‘Yung mga klase ng kwento gaya ng kwento ni Lola Tessa? Siguradong hindi lang ang kuwento niya ang ganon kalungkot na narinig mo sa mga matatanda rito sa shelter…”
“Life is really unfair. Pero para sa mga gaya kong medyo pinaboran ng tadhana, it’s up to me to balance out the equation. Kung sosolohin ko lang ba ang meron ako na sobra-sobra naman para sa gaya kong nag-iisa lang sa buhay, o ibabahagi ko iyon para sa ibang walang-wala na talaga.”
“And you chose to give and share.”
“It gives my lonely existence more meaning.”
“Lonely talaga? Sa dami ng admirers mo, salamat sa viral video mo, nagiging lonely ka pa ng lagay na iyon?”
“You have no idea.” Inabutan siya nito ng ilang piraso ng kendi. “Magandang distraction ang mga ito kapag nararamdaman kong kinakain na ng lungkot ang kalooban mo dahil sa mga kwento ng mga matatanda rito.”
Naiiyak na naman si Mae nang maalala ang naging buhay ni Lola Tessa kaya tinanggap na niya ang mga kendi at agad iyong nilantakan. “Gusto kong ipa-hunting ang mga anak ni Lola Tessa.”
“Ginawa ko na ‘yan.”
“Nakita mo na sila?”
“Oo. At mas mabuting hindi na lang sila magpakita kay Lola Tessa.”
“It’s that bad, huh.” Tumango lang si Rafael. “Gusto ko pa rin silang sapakin at sabunutan. Mga walang kwentang anak…” Her voice trailed off when she remembered her situation with her own parents.
Masama pa rin ang loob niya sa ginawa ng mga ito sa relasyon nila ni Bernard. Pero siguro dahil nasa dalawang taon na rin ang nakalipas kaya hindi na kasing tindi ng emosyon niya noon ang nararamdaman niya ngayon. Konting adjust na lang siguro sa pride niya para magawa niyang harapin uli ang mga mga magulang.
“Sa dami ng mga malulungkot na kwento ng mga matatanda rito, ‘buti hindi pa bumibigay ang puso mo, Rafael.”
“I have a very tough heart.”
“Anong klase ng puso meron ka? Bato?”
“Glass.”
“Ano?”
“I have a heart of glass.”
“Baliw. A heart of glass is a heart that is easily shattered, kasabihan sa China.”
“Mas baliw ka. Balat-sibuyas ang tawag dun sa Pilipinas. At nasa Pilipinas tayo.”
She couldn’t believe this guy just wouldn’t let her win. “Wala ka sa lolo ko…”
“Ano…?”
“Wala. Kendi ba ‘yang hawak mo? Penge.”
Tumataginting ang tawa ni Rafael na akala mo wala nang bukas. Gayunman, kahit paano ay gumaan na rin ang pakiramdam ni Mae sa buhay na buhay na tawa ng binata. Napangiti na rin siya sa wakas.
Hindi pa rin maitago ni Rafael ang tuwa nang iabot nito sa kanya ang isang kendi na agad naman niyang tinanggap.
“Huwag mo munang kainin,” pigil nito. “Saka na kapag nakipag-usap ka na uli sa mga matatanda dito. Para may distraction ka na kapag nagkuwento na sila ng mga masasalimuot nilang buhay bago sila nakarating sa shelter.”
“E di isang sakong kendi pala ang kakailanganin ko.” Hinawakan niya nang mahigpit ang kendi saka tumanaw sa magandang tanawin ng iba’t ibang halaman sa harapan nila. “You’re not that bad naman pala, ano?”
“Don’t judge a book by its cover. Remember that always.”
“Wala ka pa rin sa lolo ko.”
Tumawa lang uli si Rafael. “Oh, goodness. Hindi ko na yata maalala kung kailan ako huling tumawa nang ganito.”
“Bakit, hindi ka ba napapatawa ng mga girlfriends mo?”
“I never had one. Bawal.”
Oo nga pala. Kaya nga siya inutusan ng tiyuhin nito na bantayan ito na huwag mapalapit sa mga babae na posibleng magustuhan nito. “If you don’t mind me asking, bakit nga ba bawal kang ma-in love?”
“Hindi ba sinabi sa iyo ni Tito Allan?”
“Hindi na ako nagkaroon ng interes na itanong. Hawak ko ba naman ang tseke na tumataginting na two milyons, eh.”
“Kung ganon, huwag mo nang alamin. Just do what you were hired to do.”
“No offense pero…are you gay?”
“No. May mga kumplikadong issues lang ako na may kinalaman sa puso ko. At ayoko nang pag-usapan iyon kaya ibahin na lang natin ang topic.”
“Okay.” Suminghot-singhot pa si Mae. May residue pa siya ng sobrang lungkot na kwento ni Lola Tessa.
“Sorry I made you cry.”
“Hindi naman ikaw ang nagpaiyak sa akin.” Sinulyapan niya ito. “Bakit parang ang bait mo yata sa akin ngayon? Wala ka naman sigurong binabalak na masama, ano?”
“Mabait naman talaga ako. Napasama lang ang trato ko sa iyo nung una tayong nagkita dahil bigla ka na lang sumulpot sa hotel room ko habang naghahanda akong magpahinga. I just got home from Bhutan that day and I was really tired.”
“Bhutan?”
“Member ako ng isang environmental group na nagpunta sa Bhutan para pag-aralan kung paano nila nagawa na mai-preserve ang kagubutan sa bansa nila.”
“An advocate of everything nice,” sambit ni Mae. “Baka lumagpas na sa langit ang kabaitan mo, bigla kang kunin ni Lord.”
“I hope He won’t. I still want to do more things to make life a little easier for other people. Isa pa…” He gave out a little sigh. “This is the only way I can get close to people without risking my heart.”
His heart again.
Bakit parang big deal talaga rito ang puso nito? Naalala ni Mae ang mga isinagot ni Rafael sa mga katanungang ibinigay niya rito mula sa mga internet fans nito.
‘If you were given a chance to have an immortal life, how would you spend it?’
‘Fall in love every chance I get,’ was his answer.
Minsan na ba itong nasaktan nang husto kaya sa pagkakawang-gawa na lang nito ibinubuhos ang oras at panahon nito? Kaya ba umeksena na rin ang tiyuhin nito para mabantayan ang puso at masigurong hindi na uli ito magmamahal?
Awww…
Sana lahat ng taong nabibigo, gaya ni Rafael dela Merced ang kinahahantungan. ‘Yun bang tipong imbes na magmukmok sa isang tabi at magalit sa mundo, ibinubuhos na lang sa pagkakawang-gawa ang panahon. The world might have been so much better.
Ibinigay niya kay Rafael ang hawak niyang sapatos. “Jimmy Choo is an expensive brand of shoes. Kapag ibinenta mo iyan, malaki ang makukuha mo. Idagdag mo na lang iyon sa budget mo kapag bumibili ka ng mga supplies para sa mga organizations na kinabibilangan mo.”
He pushed the shoes back to her. “Hindi na kailangan. I have enough resources.”
Oo nga pala. Bilyonaryo nga pala ito. Nalungkot na naman si Mae. Huli na siguro para magbagong buhay pa siya. Wala na talaga siyang silbi sa mundo…
Niyakap niya ang paboritong sapatos at pinigil na mapahikbi uli. “We’ll find something where we could be of use, my dear shoes.”
“Hay. Sige na nga. Akin na ang mga iyan.”
Mabilis na ibinigay dito ang mga sapatos. “Ibili mo ng maraming biscuits si Lola Tessa. Mga limang karton.”
“Ganon ka-mahal ang presyo ng sapatos na ‘to?”
“It’s Jimmy Choo.”
“It’s still just a pair of shoes to me.”
Gustong maasar ni Mae. Pero masyado nang maganda ang pakiramdam niya ngayon para palagpasin ang kawalang alam ni Rafael sa mga branded na sapatos.
“Paano ka nga pala maglalakad ngayon?” tanong ng binata. Nakatingin ito sa mga paa ni Mae.
“Kaya ko namang maglakad ng naka-paa.”
“Hindi puwede. Maraming nagkalat na mga maliliit at matutulis na bagay na puwede mong matapakan kung naka-paa ka lang na maglalakad-lakad dito. Baka masugatan ka.”
“Ayokong isuot uli ang mga sapatos na ‘yan. Mababawasan ang market value nyan kapag laging ginagamit.”
“What’s up with women and shoes?” Pero tumayo na si Rafael sa kinauupuan. Pero para lang mag-squat sa harapan ng dalaga. Tinapik-tapik pa nito ang balikat. “Here. Hop on my back.”
“Ipi-piggyback ride mo ako?”
“It’s my way of thanking you for carrying that ‘ugly backpack’. And…” Sinulyapan nito ang hawak na mga sapatos. “For giving up something precious so you could help others.”
Umalingawngaw sa pandinig ni Mae ang mga huling sinabi ng binata. “May…ginawa akong mabuti…?”
He slightly turned around so he could look up at her. “You did something nice for me. That I’m sure of.”
She could feel her cheeks started to warm up. Damn. Was she blushing?
Bills to pay is lifer…Bills to pay is lifest…Bills to pay is importanter…Bills to pay is importantest…
“Ah, ano…” Bahagyang tumikhim si Mae para kahit paano ay ibalik sa normal ang direksyong tinatakbo ng t***k ng kanyang puso. “Bago tayo magkalimutan, gusto ko lang mag-sorry sa…dun sa pagsipa ko sa pinto ng hotel room mo nung unang beses tayong magkita.”
“Apology accepted. I’m sorry too, for standing you up on our first scheduled interview.”
“Apology accepted din.”
Rafael grinned and chuckled. Ewan ni Mae pero nang marinig ang reaksyon na iyon ng binata, ang makita ang maaliwalas nitong mukha at mapagmasdan ang nakangiti nitong mga mata, para bang bigla na lang naging maayos ang lahat sa buhay niya nang mga sandaling iyon.
She couldn’t help but smiled and laughed with him.
Isa sa mga volunteer ang tumawag sa atensyon ng binata. “Sir Raf, kailangan na ho nating umalis. Baka kasi ma-trapik tayo papuntang PGH.”
Tumango lang si Rafael saka muling tinapik ang mga balikat. “Let’s go, Miss Ramirez.”
“Huwag na. Kaya ko namang maglakad. At may injury pa ang isa mong braso.” Nag-umpisa nang maglakad si Mae.
Pero sa bawat hakbang niya ay napapangiwi siya dahil hindi niya maiwasang mag-imagine na baka may ‘foreign object’ na siyang matapakan. Lalo na ‘yung malalambot at mabasa-basa…
Rafael walked beside her. “Bakit hindi mo muna suotin itong sapatos mo at ibigay mo na lang sa akin kapag nakakuha ka na uli ng bagong sapin sa paa? I promise I won’t tell its buyers how many times you used this pair of shoes.”
“Okay.” Mabilis na niyang kinuha ang mga sapatos at isinuot iyon. Hindi na talaga niya matagalan ang itinatakbo ng imahinasyon niya. She was slipping on the straps of her other shoe when she started wobbling.
Rafael to the rescue again.
Hinawakan nito ang braso ni Mae at ipinatong iyon sa balikat nito para hindi tuluyang mawalan ng balanse ang dalaga, saka nag-squat uli ang binata sa harapan ni Mae para ito na mismo ang magtapos sa pag-i-strap sa sapatos ng dalaga.
He stood up with a satisfied look on his handsome face. “There. Done.”
Hindi na alam ni Mae kung ano ang magiging reaksyon nang mga sandaling iyon. Parang bigla siyang iniwan ng kaluluwa niya at wala siyang ibang nakayagn gawin kundi ang pagmasdan na lang ang guwapong mukha ng binata. Na ngayon ay tahimik na lang din na nakamasid sa kanya.
And then she started noticing that unusual beats of her heart. Louder and louder. She could hear screaming from a distance, but she couldn’t decipher what it was. All she knew was that…something in her changed that moment.
“Mukhang kailangan na nating kumilos,” mayamaya’y wika ni Rafael. “Kanina pa tayo tinatawag ng driver ng delivery truck.”
Doon lang tila natauhan si Mae. “Ah…yes, yes. Let’s go na—ay!”
Nagkamali yata siya ng hakbang kaya muntik na siyang mawalan ng balanse. Mabuti na lang at nakahawak siya agad sa balikat ni Rafael, dahilan para mapadikit siya nang wala sa oras matatag nitong katawan. She was a little giddy that she suddenly moved away and lost her balance once again.
“Gotcha.” Nasalo ni Rafael ang braso ni Mae.
“I’m sorry.” She pulled her hand free from him. “I swear, hindi ko sinasadya ‘yung paghawak ko dyan sa…ano mo…”
“That sounds…naughty.” Natatawang wika ng binata. Itinaas nito ang isang braso. “Kumapit ka na lang sa braso ko at baka mawalan ka ng balanse.”
“Hindi na. Salamat na lang.”
“Ngayon ka pa nahiya? Nahawakan mo na nga ang ano ko…”
“Hoy!”
“Ang pecs ko.”
“Bastos mo…”
Mas malakas na ang tawa ni Rafael. Hindi na rin tuloy naiwasan ni Mae na mahawa sa buhay na buhay nitong pagtawa. At salamat na rin doon kaya kahit paano ay nawala ang kaguluhang naramdaman kanina.
“Halika na nga.”
“Wala akong tiwala sa balanse mo ngayong araw.” Rafael had grabbed her arm and placed it over his uninjured arm. “Hold on. But please refrain from taking advantage of my amazing biceps.”
Gigil niyang kinurot ang braso nito. Pero totoo nga ang sinabi nito. Amazing biceps! Kaya kahit sala-salabit pa ang emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, sinamantala na lang ni Mae ang pambihirang pagkakataon na iyon na ma-experience ang kakisigan, at kabayanihan, ng isang Rafael dela Merced.
You, amazing madapakah!