IBINABA NA NI RAFAEL ang cellphone matapos putulin ni Mae ang usapan nila. “Papayag ka na lang ng ganyan?” tanong ni Allan. Ngumiti lang ito. Malungkot. “Ayokong maipit si Mae sa pagitan namin ng parents niya.” “Hindi iyan ang dapat mong sinasabi, Rafael. Kung mahal mo talaga si Mae, makipagtagisan ka sa impluwensya ng mga magulang niya sa buhay ng dalagang iyon.” Marahan lang na umiling ang binata. “Masyado na akong ibinigay na sama ng loob kay Mae mula nang itago ko sa kanya ang totoong nangyari sa akin. Ayoko nang dagdagan pa iyon. If she had chosen her parents, it was fine with me. At sa nalaman ko sa iyo sa mga naging pag-uusap nyo ng parents niya, baka ako na rin ang pumili na lumayo sa kanya.” Pagkatapos kasi ng pakikipag-usap ni Allan sa mag-asawang Ramirez ay tinawagan niya