MANGILAN-NGILAN NA LANG ang mga tao na pumapasok sa pinakamalaking room sa kilalang funeral homes na iyon at karamihan sa mga dumalaw sa unang araw ng lamay ni Allan dela Merced ay nagsiuwian na. Dahil na siguro sa oras. Mag-a-alas dose na rin kasi ng madaling araw. Mae and her parents sat at the last row of the long wooden chairs. Ang dalaga ang unang umupo roon para sumunod na lang ang mga magulang dahil ayaw niyang mapansin siya ni Rafael. “Kayo na lang ang lumapit, Ma. Dito na lang ako.” “Are you sure?” Tumango lang siya saka muling sinulyapan ang kinaroroonan ni Rafael na nasa unang hilera ng mga upuan, malapit sa white-and-gold casket ng tiyuhin nito na napapalibutan ng mga puting bulaklak. Mag-isa lang doon ang binata. Parang walang gustong tumabi rito. O kaya naman, base sa m