INISA-ISA NI MAE na damputin ang nagkalat na butong pakwan sa katawan ni Rafael at ibinalik mga iyon sa hawak na paper plate na wala nang laman. “Sorry. Mahina yata ang grip ko ngayon.” “Oo nga.” May kung sino itong sinenyasan. Isang uniformed food server ang lumapit sa kanila. “Ikuha mo ng panibagong pagkain si Miss Ramirez.” “Yes, Sir.” Miss Ramirez? Miss? Ramirez? “Saan kayo nakapuwesto ng parents mo? Ipapahatid ko na lang doon ang mga pagkain nyo.” Itinuro lang ni Mae ang kinaroroonan ng mga magulang na pinagmamasdan lang sila ng binata. Tatlong taon mula nang magbagong buhay siya at nangakong magpapakabait na, ngayon na lang uli niya hiniling na sana ay naging malditang bratinella pa rin siya gaya ng dati. Para madali na sa kanya na sawayin ang utos ng mga ito at malaya nang

