NAALIMPUNGATAN SI MAE nang mauntog siya sa pader na kinasasandalan. Nakaidlip na pala siya nang hindi niya namamalayan sa pagbabantay sa labas ng ICU kung saan naka-confine si Rafael. Sinulyapan niya ang relong pambisig. Mag-a-alas tres na ng madaling araw. Napalingon siya sa pinto ng ICU nang bumukas iyon at lumabas ang dalawang unipormadong cleaning personnel ng ospital, tulak-tulak ang malaking cart na kinalalagyan ng mga kagamitan sa paglilinis. Naroon din ang mga puting kumot at bedsheets. Mabilis siyang lumapit sa pinto ng ICU at sinilip sa loob. Kinabahan siya nang makitang wala na si Rafael sa kama nito. “Nasaan ang pasyente dito?” tanong nya sa mga taga-linis. “Nailabas na ho kanina pa.” “Bakit inilabas? Nasa critical condition pa siya…” Napansin ni Mae na nagkatinginan ang da