NAKATANAW SI ALLAN sa malawak at makulay na Kamaynilaan mula sa balkonahe ng condo unit niya. Mag-a-alas dos na ng madaling araw pero halos buhay na buhay pa rin ang lungsod. Tapos na siyang mag-empake ng mga gamit niya at naghihintay na lang ng oras bago siya umalis patungong airport para sa early flight niya pabalik ng Australia. Finally, he was done with this country. He could go back to normal life without thinking of anything, or anyone, from this place. Wala na siyang babalikan dito. Putol na ang lahat ng bagay na laging humihila sa isip at kamalayan niya sa bansang ito. Masaya na niyang maipagpapatuloy ang buhay sa Australia. Pero bakit parang mabigat ang pakiramdam niya? Bakit parang…nalulungkot siya? “I’m not sad. Why would I be sad? I got what I came here for.” He leaned his