“ALLAN DELA MERCED.” “Ernesto. Clotilde.” Kinamayan muna ni Ernesto si Allan bilang pagbati bago inalalayan ang kanyang asawa na makaupo sa iniresbang puwesto ng kanilang panauhin sa isang restaurant. “You’re alive…you madahpaking son of a gun.” “Ernesto, behave,” sita ng kanyang asawa. “Although nakakagulat nga na makita ka namin uli, Allan. Still alive and kicking.” “Totoo nga siguro ang kasabihan. Ang masamang damo, matagal mamatay,” hirit pa rin ni Ernesto bago umupo na rin sa sariling puwesto. “You really did love me, huh, Ernesto?” nakangiting sambit lang ni Allan saka kinawayan ang waiter para ibigay ang kanilang mga orders. “Kunsabagay, kasalanan ko naman kung bakit ganyan ang reaksyon nyo sa akin. Tatlong din akong hindi nagparamdam sa inyo.” “Tatlong taon na ring nalulung