DAIG PA NI MAE ang nakakita ng dinosaur na kasing laki lang ng ipis habang nakatitig lang siya sa imahe ni Rafael sa harapan niya. Binalingan nito si Lola Tessa, at sa unang pagkakataon, nakita ni Mae kung paanong kumilos ang matanda nang unti-unti nitong iabot sa binata ang hawak nito ng biskwit. Rafael took it and opened it before handing it back to the old lady who happily, and slowly, ate the biscuit. Ilang beses na kumurap-kurap si Mae para lang masigurong hindi siya namamalik-mata sa nakikita. Ngunit nanatiling malinaw ang imahe ni Rafael sa harapan niya, hindi gaya ng mga nakaraang pagkakataon kung saan unti-unti itong naglalaho sa tuwing kumukurap siya. Lord, sineryoso Mo po ba ang hiling ko kanina nang humingi ako ng isa pang Rafael sa buhay ko? Pero…kamukhang-kamukha talaga, m