NAKASANDAL LANG SA haligi ng hospital room si Mae kung saan inaasikaso ng mga doktor at nurses si Rafael. Halos isang oras na rin siyang nakatayo roon, pero hindi na niya pansin kung masakit na ba ang mga paa o kung may mga paa pa ba siya. Buong atensyon niya ay nakatuon lang sa mga nangyayari sa loob ng naturang silid. Naroon si Mr. Allan at nakikipag-coordinate sa mga doktor ng binata. Ito ang tinawagan niya agad pagpasok na pagpasok ni Rafael sa emergency room kanina. Nang dumating ito ay ni hindi na siya nito halos napansin dahil diretso na agad itong pumasok sa ER para kausapin ang mga doktor na nag-aasikaso sa binata. Kaya sa labas na lang naghintay si Mae hanggang sa maging stable na nga ang lagay ni Rafael at ilipat na ito sa private room. Still, hindi pa rin siya pumasok ng sili