NANLALABO AT UMIIKOT pa ang paningin ni Rafael nang magmulat ng mga mata. Medyo nasisilaw pa siya sa liwanag ng mga ilaw ng silid, pero pansin niya na wala na ang mga nakakabit na mga aparato sa kanyang katawan. “Hello, handsome.” Pamilyar sa kanya ang mukha ng nakangiting babaeng nakatunghay sa kanya ngayon. “Alam kong natatandaan mo pa ako dahil, ahm, hello? Hindi nagbago ang baby face kong maganda even after ten years. Right?” “Dr. Evelyn…?” “The greatest doctor in the world, that is correct.” Naupo ito sa gilid ng kama at pinisil-pisil ang pisngi ni Rafael. “You are one such lukcy guy. Alam mo bang isang babaeng ganid sa pera ang sinaid ang kayamanan niya para lang mahanap ako?” “Mae…” Sinubukan ni Rafael na hanapin sa paligid niya ang dalaga. Pero wala ni anino nito. “Oh, she’